PINAGDUDAHANG 2017 P3.35-T BADYET, APRUBADO SA KAMARA

 

Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE
Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE

Ni: Marites Badilla

 

SA kabila ng maraming pagdududa, ipinasa ng Kamara del Representantes sa ikalawang pagbasa ang P3.35 Trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa 2017.

Dahil dito, inaasahan ni Speaker Pantaleon Alvarez na papasa rin ang nasabing badyet na laman ng House Bill 3408, o 2017 General Appropriations Bill (GAB), sa ikatlo at pinal na pagbasa nang walang pagbabago.

Inaasahan ding ipapasa ng Senado ang panukalang badyet nang walang pag-amiyendang magaganap.

Pero, inaasahang kukuwestyonin nang maigi nina Senadora Leila de Lima (Liberal Party) at Senador Antonio Trillanes IV (Nacionalista Party) ang sobrang inalaking intelligence fund ng Tanggapan ng Pangulo na umabot sa P2 Bilyon.

Alam ng publiko na malaki ang galit nina De Lima at Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi dati ni Budget Secretary Benjamin Diokno, ang ipinaprubahang badyet ng administrasyong Duterte para sa 2017 ay  binansagang “A  Budget for Real Change,” sapagkat tutustusan nito ang 10-puntong socioeconomic development agenda ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang badyet ay ipinasa nitong Miyekules ng gabi sa pamamagitan ng “viva voce,” sapagkat ganito naman ang pamamaraan ng pagboto, o hindi, sa ikalawang pagbasa sa anumang panuklang batas, kabilang na ang GAB.

Iniyabang ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang pagpasa sa ikalawang pagbasa ng GAB dahil tinapos nila ito ng walong araw kumpara sa nakalipas na mga panahon na sampung araw pinagtatalunan at tinatalakay ng bawat komite at sub-komite ang ipinapaaprubahang badyet ng administrasyon.

Ngunit, tahimik sina Alvarez at Fariñas sa maraming kuwestyon at pagdududa sa ilang aspeto ng badyet.

Ayon sa beteranong mambabatas mulang Ilocos Norte na kasapi ng Liberal Party, sa komite na lang pag-usapan ang mga mungkahing pagbabago bago isalang sa ikatlo at pinal na pagbasa.

Ang 10 kagawaran na nangunguna sa malaking parte sa badyet ay ang mga sumusunod:

  1. Department of Education (DepEd) – P567.5 Bilyon;
  2. Department of Public Works and Highways (DPWH) – P458.6 Bilyon;
  3. Department of Interior and Local Government (DILG) – P150 Bilyon;
  4. Department of National Defense (DND) – P134.5 Bilyon;
  5. Department of Social Welfare and Development (DSWD) – P129.9 Bilyon;
  6. Department of Health (DOH) – P94 Bilyon;
  7. State Universities and Colleges (SUCs) – P58.8 Bilyon;
  8. Department of Transportation (DOTr) – P55.4 Bilyon;
  9. Department of Agriculture (DA) – P45.2 Bilyon; at,
  10. Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) – P41.7 Bilyon.

 

Ang DepEd ay palaging nangunguna, sapagkat iyan ang atas ng Saligang-Batas sa pamahalaan.

Ngunit, higit pang malaki ang badyet na nakalaan sa bayad sa interes ng utang ng Pilipinas sa mga dayuhang pampinansiyang institusyon at mga lokal na bangko.

Awtomatikong bayad ito ng pamahalaan, kaya hindi na ito binubusisi ng mga senador at kongresista.

Ang ilan sa mga pinagdududahan ay ang mga sumusunod:

  1. Sa badyet ng DSWD dahil tumaas ito, kabilang na ang pondo sa Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa kabila ng paggiit ng ilang mambabatas na hindi naman tamang taktika ang 4Ps upang makawala sa kahirapan ang maraming Pilipino;
  2. Sa badyet ng DTr sa kabilang ng walang malinaw at kongkretong plano ang kagawaran para matuldukan ang trapik sa Metro Manila at mga karatig lalawigan at palpak ang mga airport;
  3. Sa badyet ng DOH dahil bumaba ang pondo para sa mga pampublikong ospital na kailangang-kailangan ng mga pasyenteng galing sa mahihirap na pamilya;
  4. Tumaas nang todo ang badyet ng ARMM gayong nananatili pa rin itong pinakamahirap na rehiyon sa bansa hanggang sa ngayon.

Ayon kay Diokno, sa P3.35 Trilyon, 40% ay mapupunta sa pagpapalakas sa  kapangyarihan ng  mamamayan sa papamagitan ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, panlipunang kagalingan, at iba pang porma ng paglilingkod sa mamamayan; 27.6 porsyento ang ilalaan sa pang-ekonomiyang serbisyo (imprastrakturang proyekto, pagpapalago ng agrikultura at mga lalawigan, makapagbigay ng maraming trabaho, at kabuhayan); at 22% sa pagkalahatang serbisyo-publiko at programa sa pagtatanggol ng bansa laban sa mga kaaway ng bansa at estado.

Pinuri nang husto ni Rep. Karlo Alexei Nograles (Unang Distrito ng Davao City) ang mabilis na pagpasa ng Kamara sa badyet.

“This is one big step towards the realization of President Duterte’s agenda for true and meaningful change. This budget will fuel our quest for reforms that would uplift the lives of our people and fight the many evils plaguing our nation, such as drugs, crime and corruption,” banggit ni Nograles.

“This is the first General Appropriations Act of the new Duterte Administration. The manner by which we meticulously worked on every item is indicative of the urgency for change that President Duterte himself has initiated on the first day of his term,” dagdag ng lider ng Appropriations Committee ng Kamara.

Ang pahayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ganito: “More than being a collection of figures and provisions, the proposed 2017 national budget is the embodiment of our people’s clamor for real change and a compassionate government.”

Idiin din ni Duterte na: “This is my administration’s first budget. It is a budget that gives flesh and bone to the promise by which I won as President, which is to fight for social justice.”

“It was designed to realize change in the here and now. This budget is for the people and by the people,” patuloy niya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like