Pilipinas pinaghahandaan ang 2013 Summer Universiade sa Russia

Iginawad ni David Ong (3rd from left), presidente ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) ang karangalan bilang head of delegation ng bansa sa 27th Summer Universiade  kay  Antonio Tiu (4th from left). Gaganapin ang pinakamalaking school-based games mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 17 sa Kazan, Russia.  Nasa larawan din ang mga FESSAP officials na sina (from left) Richard Cuartero, Teresita Abundo, David Ong, Antonio Tiu, Dennis Sia, Dr. Diosdado Amante, Prof. Robert Milton Calo, at Christian Tan.

Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang paglahok nito sa 27th Summer Universiade na gaganapin sa Kazan, Russia sa darating na Hulyo 6-17.

Nakatakdang magpadala ng 83-kataong delegasyon ang Federation of School Sports Association of the Philippine (FESSAP).

Ang Summer Universiade ay ginaganap kada dalawang taon at nilalahukan ito ng mga pangunahing atleta ng mga unibersidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Huling ginanap ang Summer Universiade sa Shenzhen, People’s Republic of China noong 2011 kung saan nakapag-uwi ng silver medal ang Pilipinas mula kay Samuel Thomas Harper Morrison ng Far Eastern University sa larong taekwondo. Ito ang tanging medalyang napanalunan ng bansa sa palarong nilahukan noon ng 65 na bansa.

Inaasahan naman ng FESSAP na darami pa ang bansang sasali sa taong ito at lalong hihigpit ang kumpetisyon. Ilan sa mga kinukunsiderang powerhouse countries sa palarong ito ay ang China, Japan, South Korea, Estados Unidos at ang host Russia.

Ang head of delegation ng Pilipinas ay si AgriNurture Inc (ANI) chairman Antonio Tiu at ang napiling flag-bearer ay si Ret. Col. Ariel Quirubin, ang vice president ng Philippine Federation of Body Builders, Inc.

Ang Pilipinas ay lalahok sa basketball, chess, fencing, badminton, beach volleyball, table tennis, weightlifting, lawn tennis, swimming, judo at athletics.

You May Also Like