PILIPINAS PABORITO PA RIN NG AMERIKA

 

Ni: Marites Badilla

 

MAHIGIT 104 milyon ang populasyon ng Pilipinas, samakatuwid 104 milyon din ang mga Pilipino na nangangailangan ng iba’t ibang produkto.

Kung gatas ang produkto ng isang kumpanya, naglalaro sa 100 hanggang 104 milyon ang

inaasahang customer.

Sa madaling salita, mayroong “market” ang Pilipinas.

Kaya naman, kahit na kaliwa’t kanang binabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga patakaran ng Estados Unidos kung saan kumbinsido si Duterte na agrabyado, o talo ang Pilipinas, ay hindi ‘burado’ sa listahan ng mga negosyanteng Amerikano ang Pilipinas.

Katunayan, ikatlo ang Pilipinas sa listahan ng mga negosyanteng Amerikano na gusto nilang paglagyan ng kanilang negosyo, ayon sa “2017 Asean Business Outlook Survey.”

Ang una ay ang Vietnam.

Ikalawa naman ang Indonesia.

Matantandaang walang tigil si Duterte sa pagbatikos sa Estados Unidos, partikular sa krimeng nagawa ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino noong kolonya ng Amerika ang Pilipias noong 1989 hanggang 1946, kabilang na ang pagmasaker sa mahigit 6,000 Moro sa Sulu na naganap noong 1906.

Idiniin ni Duterte na hindi humingi ng tawad ang Estados Unidos sa nagawa nito sa mga Pilipino.

Sa lahat ng mga naging Pangulo ng Pilipinas, si Duterte lamang ang Pangulo na bumatikos sa Estados Unidos, tapos serye at masasakit pa ang mga pahayag, na kung saan hangad pala ng Pangulo na magkaroon ang Pilipinas ng sariling patakaran ng pakikipagrelasyon at pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Sa kabila nito, idiniin ng United States Chamber of Commerce at American Chamber of Commerce in Singapore na pangatlo ang Pilipinas na plano nilang palawakin ang kanilang mga negosyo.

Sabi pa nga sa nabanggit na pag-aaral, 27% mula sa 519 na lider ng mga kumpanya na hangad na palawakin ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas, kumpara noong 2015 kung saan 20 porsiyento lamang ng mga negosyante ang mayroong interes na palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas.

Iba-iba ang dahilan kung bakit magpapalawak ng negosyo ang mga kapitalistang Amerikano sa mga bansang labas sa Amerika.

Ang pangunahin ay magsasagawa sila ng tinatawag ng mga negosyante  na  “diversification of customers” kung saan maaari nilang gawin sa Pilipinas.

Sa parehong pag-aaral ng mga negosyante para sa 2017, 60 porsiyento sa kanilang hanay ay gustong magtayo ng negosyo sa Pilipinas, samantalang 70 porsiyento ang nagpaplanong palakasin ang kanilang negosyo sa bansa.

Samantala, maganda ang plano ng mga negosyanteg Amerika  dahil maraming manggagawa ang  magkakaroon ng trabaho.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like