“Pilipinas, magkaisa tayo”—Duterte

“Magkaisa Tayo!”
 
SA pagkakaisa ng lahat ang tinutuhog ng mensahe ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mamamayang Pilipino, sapagkat kumbinsido ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na mahalagang magkaisa ang lahat upang makamit ang adyenda ng kanyang administrasyon na tunay na pagbabago.
 
Idiniin ni Duterte na “No leader, however strong, can succeed at anything of national importance or significance unless he has the support and cooperation of the people he is tasked to lead and sworn to serve,” sa kanyang unang opisyal na talumpati na inilahad sa inagurasyong ng kanyang pagiging bagong pangulo sa Rizal Hall sa Malakanyang.
 
Si Duterte na ika-16 na Pangulo ay opisyal na naging Pangulo sa ganap na 12:01 N.H.
 
Opisyal na nagtapos ng termino ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa ganap na alas 12:00 N.T.
  
Binanggit din ni Duterte na kailangang pakinggan ng mga opisyal ng pamahalaan ang mamamayan dahil sa kanila humuhugot ng lakas ang isang demokratikong katangian ng pamahalaan.
 
Sinabi rin niyang aayusin ang lahat ng pakikipag-usap sa iba’t ibang puwersa, bukod sa mga komunistang grupo, upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
 
“On the international front and community of nations, let me reiterate that the Republic of the Philippines will honor treaties and international obligations,” tugon ni Duterte.
 
Sa kabilang banda, tahasang binalaan ni Duterte ang mga kasapi ng kanyang Gabinete na kailangan nilang gawin nang maayos ang kanilang mga trabaho at tungkuling inatang sa kanila na kung hindi nila ito magagawa ay hindi siya magdadalawang isip na tanggalin agad sila sa puwesto.
 
Tinukoy din ni Duterte na hindi dapat baliin ng mga miyembro ng Gabinete  ang batas at ibahin ang paraan sa  pagpapatupad ng mga ito.
 
Si Duterte ay pormal na nanumpa kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes.
 
“I was elected to the presidency to serve the entire country. I was not elected to serve the interests of any one person or any group or any one class. I serve every one and not only one,” diin ni Duterte. (Edward Mico Joseph D. Agustin)

 

Propellerads

You May Also Like