PHL,Russia nagkasundong labanan ang int’l crimes

SA pamamagitan ng isang pormal na kasunduan, nagsanib puwersa ang Pilipinas at Russia upang labanan ang pandaigdigang krimen at smuggling.

May kasunduan ang dalawang bansa na magbahaginan ng data, mga dokumento at iba pang impormasyon na eksklusibong gagamitin sa paglaban sa mga krimen.

Llinagdaan ng Pilipinas at Russia ang makasaysayang Customs Mutual Administrative Assistance Agreement sa isang seremonya sa Manila Hotel noong Abril 24.

Pinapatatag ng nasabing kasunduan ang koneksyon ng dalawang customs administration sa pakikipagtulungan ng mga ito laban sa transnational na krimen, panloloko, at pag-iwas sa mga krimen. [Clarissol Reonal]

You May Also Like