PHL umaapela sa Taiwan para sa OFWs

UMAAPELA ang Malacañang sa mga Taiwanese na tratuhin nang disente ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kabila ng nagaganap na tension matapos mapatay ang isang mangingisdang Taiwanese sa Batanes noong nakaraang linggo.

Ilan sa mga OFW sa Taiwan ang nagpahayag ng pagkabahala sa panggugulo ng mga Taiwanese sa kabila ng apela ng administrasyong Aquino sa nasabing bansa.

“Naniniwala kami na ito pong naiuulat na ginagawa ng iilang mga Taiwanese ay isolated incidents lamang. Hindi ito kagagawan ng sambayanang Taiwan,” ani Presidential spokesman Edwin Lacierda sa press conference sa Malacañang noong Huwebes.

Ang National Bureau of Investigation ay magsisiyasat sa kung ano ang nagyari sa border ng Pilipinas at Taiwan at tutukuyin kung sino ang dapat managot sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, may humigit-kumulang 42,000 na mga OFWs sa Taiwan.

You May Also Like