PHL, pangatlong pinakamapanganib para sa press

SA kabila ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day, dineklara ang Pilipinas bilang pangatlong pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamayahag, ayon sa isang grupong naka-base sa New York.

Kahilera ng bansa ang Somalia at Iraq na nangunguna sa may mga mataas na bilang ng kasong pagpaslang sa mga mamamahayag ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ).

Dagdag pa ng CPJ, sa kabila ng mga pangako ni Pangulong Benigno Aquino III at ng  Department of Justice, patuloy pa din ang mabagal na usad ng batas at walang napaparusahan sa mga itinuturong suspect sa mga nasabing pagpatay sa mga mamamahayag. [Rica Canon]

You May Also Like