PHL-Brunei relations, muling pinagtibay

bruneiphilippinesMuling pinagtibay ng Brunei Sultan na si Hassanal Bolkiah ang koneksyon ng kanilang bansa sa Pilipinas at nangakong makikipagtulungan sa peace process sa Mindanao pati narin sa usapin ng agrikultura.

Bilang pinuno ng ASEAN, ani Sultan Bolkiah nais nitong palawigin ang pangkalahatang pag-unlad sa rehiyon, ‘di lamang sa ekonomiya, kung hindi sa usapin ng kapayapaan at katatagan.

Pinuri ni Sultan Bolkiah si President Benigno Aquino III nang mag-alok ng toast sa isang pananghalian na pinangunahan ni Pnoy sa Malacañang, aniya, nangunguna si ang pangulo sa pagtaguyod ng kapayapaan at pagkakasundo sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Pinasalamatan din ni Pnoy si Bolkiah dahil sa pagtulong nito sa 21,000 na Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Brunei.

[Clarissol Reonal]

You May Also Like