PH umani ng 4 na ginto sa Asian Youth Boxing

Nanalo ng gintong medalya si Ian Clark Bautista (blue jersey) ng Pilipinas matapos niyang pagharian ang flyweight division ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championship na nagtapos nitong Sabado sa Subic. Bukod kay Bautista ay nagwagi rin ng ginto ang mga kababayang sina Jade Bornea (lightflyweight), James Palicte (lightweight) at Eumir Marcial (light welterweight).

Sa limang batang amateur boxers isinali ng bansa ay apat ang nanalo ng gintong medalya sa  2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships na natapos nitong Sabado sa Subic Gym sa  Zambales.

Ang mga umani ng parangal para sa bansa ay sina light flyweight Jade Bornea, flyweight Ian Clark Bautista, lightweight James Palicte at light welterweight Eumir Marcial.

Ang tanging nalaglag na Pinoy sa torneyong inorganisa ng ABAP-PLDT katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority at MVP Sports Foundation ay si bantamweight Jonas Bacho na nabigong makapasok sa semifinal round.

Sa finals, dinurog  ni Marcial, ang 2011 World Junior champion,  si Batzorig Otgonjorgal ng Mongolia, 29-12 habang hiniya naman ni Bautista ang panlaban ng Uzbekistan na si Mirazizbek Murzahalilov sa pamamagitan ng 19-10 panalo.

Nagwagi rin ang dating World Youth Championship bronze medalist  na si Bornea kay Kosei Tanaka ng Japan, 15-13, at nanaig si Palicte kay Liu Xiaoshuai ng China, 17-13.

“A great day for Philippine boxing,” sabi ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas. “Words can’t express how proud I am of the overall effort and resolve put together by our young ABAP boxers in this tournament. Truly magnificent! Great job, guys.”

You May Also Like