PH, Tsina, may tensyon ba?

Makikita sa larawan ang bahagi ng mga lumahok sa mahalagang pulong hinggil sa South China Sea at Regional Cooperation sa Grand Copthorne Waterfront Hotel sa Singapore. Itinagurong ng Institute of Chinese Borderland Students ng Chinese Academy of Social Sciences at Nanyang University. (Melo M. Acuna)
Mga kalahok sa mahalagang pulong hinggil sa South China Sea at Regional Cooperation na ginanap sa Grand Copthorne Waterfront Hotel sa Singapore. Itinagurong ng Institute of Chinese Borderland Students ng Chinese Academy of Social Sciences at Nanyang University. (Melo M. Acuna)

Ni: Edward Mico Joseph Agustin

“Walang dahilan upang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina,” ito ang pananaw ni Ambassador Francis Chua, dating pangulo ng Federation of Filipino Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCI) matapos maglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA) nitong Hulyo 12.

Ayon kay Chua, “Tanging si Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. lamang ang may karapatang magsalita sa panig ng Duterte Administration” sa usapin ng West Philippine Sea.

Matatandaang ultimong si Yasay ay nanawagan sa mga Pilipino na maging mahinahon makaraang manalo ang Pilipinas sa korte laban sa Tsina.

Ipunto pa ni Yasay na hindi kailangang awayin ng Pilipinas ang Tsina, sapagkat ‘magkaibigan’ ang dalawang bansa.

Kung babalikan ang kasaysayan, makikitang mayroong mahabang pinagsamahan ang dalawang bansa, lalo na sa larangan ng kalakalan.

Walang dahilan upang mag-away, sapagkat magkabilang panig ang naniniwalang magkakaroon ng ibayong biyaya ang kapayapaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, tugon ni Chua.

Naniniwala rin si Chua na ang Tsina ay may pagpapahalaga sa kanilang kapayapaan, kaya malabong gumamit ito ng dahas upang awayin ang Pilipinas.

 

 

Ngunit, kung sakaling magkaroon ng “gulo” dahil sa desisyon ng PCA, dalawang

linggo lamang ang itatagal nito at huhupa rin ang “gulo,” tingin ni Prof. Swaran Singh ng Center for International Politics, Organization and Disarmament ng School of International Studies ng Jawaharlal Nehru University sa New Delhi, India.

Naniniwala si Singh na sa ikatlong linggo ay magiging malinaw sa dalawang bansa na higit na mainam kung mag-uusap ang dalawang bansa.

Inaasahang magkakaayos ang Pilipinas at Tsina  upang pag-usapan kung paano pauunlarin ang West Philippines Sea.

You May Also Like