PH, Kaya ang 8.0% GDP

GDP

Ni: Roy Bersales

 

MAKAKAMIT ng Pilipinas ang 8.0 porsiyentong pag-angat ng gross domestic product (GDP) kung tatanggalin ng adminitrasyong Duterte ang mga regulasyon at limitasyong idinikta ng pamahalaan sa ekonomiya ng bansa.

Ani David Mann, pangunahing ekonomista ng Standard Chartered Bank, napapako ang GDP ng Pilipinas sa 6.0% hanggang 7.0% dahil maraming regulasyon at mekanismo ang ekonomiya ng bansa na itinakda at idinikta ng pamahalaan na nagsisilbing bara, o harang upang hindi magtuluy-tuloy an kanyang pag-angat at pag-unlad.

Ang mga regulasyon at mekanismo ay nagsilbing mga balakid para hindi makaalis sa 7.0% ang GDP ng Pilipinas, diin ni Mann sa kanyang pagharap sa mga negosyante at manager ng mga negosyo sa Taguig City.

Ang GDP ay siyang ginagamit na sukatan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Maging ang mga sosyalistang bansa, tulad ng China ay GDP rin ang panukat sa ekonomiya.

Ayon kay Mann, kung sisimulan ng economic team ng administrasyong Duterte ang pagtanggal ng mga regulasyon at limitasyon sa iba’t ibang aspeto ng ekonomiya ay pihadong makakamit ng bansa ang 8.0% GDP sa 2021.

Ngunit, kung hindi ay mananatili sa pagitan ng 6.0% at 7.0% ang average na GDP ng bansa hanggang 2022, paliwanag ng ekonomista.

Ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tatagaal hanggang Hunyo 30,2022, alinsunod sa itinakda ng Saligang-Batas.

Hindi tinukoy ni Mann ang  mga nakikita niyang problema sa mga regulasyon at limitasyon sa ekonomiya ng bansa.

Ngunit, sinabi lamang niya na ang mga ito ay may kinalaman sa economic liberalization, paggastos ng pamahalaan sa pagpapatayo ng mga imprastraktura, paggastos sa kalusugan at edukasyon upang umunlad at umangat ang kalidad ng “human capital” (ideya at skills).

Kapag nawala ang mga restriksiyon sa mga nabanggit na aspeto ay tiyak na dadagsa ang mga dayuhang negosyante sa bansa.

Sa nakaraan, ang madalas na reklamo ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa ay ang mataas na bayad sa kuryente, napakabagal na preseso sa pagtatayo ng negosyo sa bansa, mataas ang upa sa lupa at gusali, at limitado ang lawak ng lupa na puwedeng maging pag-aari ng mga dayuhang negosyante, at iyong restriksiyon sa pag-aari ng dayuhang negosyante sa negosyo, o kumpanya (hanggang 40% lang ang itinakda ng Saligang-Batas).

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like