PH Davis Cup team wagi sa Thailand, uusad sa finals kontra New Zealand

Johnny Arcilla
Johnny Arcilla

Pinatalsik ng Pilipinas ang Thailand, 4-1, sa kanilang sagupaan sa Davis Cup Asia/Oceania Group II semifinals match na ginanap nitong weekend sa Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu Lapu City, Cebu.

Makakaharap ng Pilipinas sa finals ang New Zealand na tinalo naman ang Pakistan, 4-1.

Inumpisahan ni Ruben Gonzales ang kampanya ng Pinas laban sa Thailand noong Biernes sa paghugot ng 6-7(8-6), 6-4, 2-0 (ret.) panalo laban kay Wishaya Trongcharoenchaikul na nabigong tapusin ang laban dahil sa cramps.

Gumanti naman ang Thailand sa second singles match nang biguin ni Danai Udomchoke, na dating Asian Games champion at ngayon ay ranked No. 207 sa mundo, ang Pilipinong si Johnny Arcilla, 6-3, 6-2, 1-6, 6-2.

Sa Sabado naman ay pinataob ng tambalang Treat Huey at Francis Casey Alcantara sina Nuttanon Kadchaphanan at Pruchya Isarow, 6-3, 6-3, 7-6 (7-4), sa doubles event para mabigyan ng 2-1 bentahe ang Pilipinas.

Ang finals ay itinakda sa Setyembre 13-15 kung saan ang mananalo ay aakyat sa Group I sa susunod na taon.

You May Also Like