Petisyon vs political dynasty, binasura ng SC

Ayon kay Ricardo Penson na kumakandidato para sa pagka-senador, malawak ang impluwensiya ng mga tinatawag na political dynasties sa bansa.
Ayon kay Ricardo Penson na kumakandidato para sa pagka-senador, malawak ang impluwensiya ng mga tinatawag na political dynasties sa bansa.

Pormal na ibinasura ng Supreme Court (SC) ang lahat ng mga petisyon na isinampa ng iba’tibang indibidwal kaugnay sa political dynasties dahil sa kakulangan ng mga argumento na magpapatibay sa giit ng mga ito.

Ayon sa petisyon na inihain nina senatorial candidate Ricardo Penson at dating vice-president Teofisto Guingona, ang SC umano ang may kapangyarihan para atasan ang Kongreso na magpasa ng batas upang mapairal ang probisyon sa 1987 Constitution na nagbabawal sa political dynasty.

Iginiit naman ni Penson na ang pamumuhay ng milyun-milyong Pilipino ay kinokontrol na lamang ngayon ng mga malalaking angkan ng mga pulitiko sa bansa

Samantala, ilan sa mga pinatatamaan ng dalawa ay ang mga kumakandidato sa pagka-senador sa midterm polls sa Mayo 13 na sina “Bam” Aquino at Margarita Cojuangco, pinsan at tiyahin ni Pangulong Benigno Aquino III; mga anak ni Vice-President Binay na sina Nancy, Abigail at Erwin, congressman at mayor sa Makati City; at pamilya ni dating pangulo at ngayo’y Manila mayoralty candidate Erap Estrada na may pitong kamag-anak na tumatakbo sa iba’tibang posisyon, kasama ang anak na si JV na kumakandidato din sa pagka-senador. (PA)

You May Also Like