Peter Lim, Gigisahin ng NBI

NAGPAKITA SA NBI: Sinunod ni Peter Lim ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo ito sa National Bureau of Investigation (NBI) upang sumailalim sa masusing imbestigasyon makaraang tukuyin siya ng Pangulo na isa sa tatlong drug  kingpin. Nitong Huwebes nagtungo si Lim sa NBI sa Maynila kasama ang kanyang abogado. (Jar-Ar Ortorero)

Ng: Tapat News Team (TMT)

SISIMULAN na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Peter Lim.

Si Lim na negosyanteng naka-base sa Cebu ay nagtungo sa  sentrong himpilan ng NBI sa Maynila nitong Huwebes upang sumailalim sa masusing imbestigasyon sa kanyang pagkakasangkot sa iligal na droga.

Kasama ni Lim sa NBI ang kanyang abogado na si Atty. Ramon Esguerra.

Sisimulan nang imbestigahan si Lim makaraang magbuo ng special team ang NBI.

Nagtungo si Lim sa NBI makaraang sabihan siya mismo

ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim ito sa masusing imbestigasyon ng NBI upang malaman kung totoo, o hindi ang impormasyong nakarating sa Pangulo na isa si Lim sa tatlong pangunahing drug kingpin sa bansa.

Tahasang itinanggi ni Lim na isa siyang drug kingpin nang makaraharap si Duterte sa Davao nitong nakalipas na linggo.

Ang dalawa pang tinukoy ni Duterte na drug kingpin ay sina Wu Tuan alyas “Peter Co” at Herbert Colangco.

Sina Co at Colangco ay matagal na ring nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa kasong droga.

Ang protektor ng tatlo ay si retiradong heneral na si Marcelo Garbo, ayon kay Duterte.

Isinangkot din ng Pangulo sina retiradong heneral Vicente Loot at mga aktibong heneral sa Philippine National Police (PNP) na sina Joel Pagdilao, Edgardo Tinio, at Bernabe Diaz sa sindikato ng droga.

You May Also Like