Pera ng Depositors, Ipinuhunan ng mga Bangko sa Coal Mining

 

Ni: Joel O. Amongo

 

ISINAPUBLIKO ng lider ng Sanlakas na may ilang malalaking bangko na pinasok ang negosyong coal mining gamit ang pera ng kanilang mga depositor.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa, pangkalahatang-kalihim ng Sanlakas, pera ng mga depositor ang bilyun-bilyong ginawang puhunan ng ilang malalaking bangko sa pagpasok nila sa negosyong coal mining.

Ani Pedrosa, sana hindi ito ginawa ng mga bangko, sapagkat nakasisira ng kalusugan ng tao, nakasisira ng kapaligiran at kalusugan, at maaaring makamatay sa tao ang pinasok nilang negosyo ng pagmimina.

Ayon kay Pedrosa, ilan sa mga bangkong nalalaman ng Sanlakas na namuhunan sa cola mining ay ang Metro Bank, Banco de Oro, at Bank of the Philippine Islands.

Aniya, ang Metro Bank ay naglagak ng P25 Biyon sa Meralco, P5 Bilyon sa Aboitiz Power Corp., P16 Bilyon naman sa Cebu Energy Development, at P14 Biyon sa Panay Energy Dev’t Corp.

Namuhunan naman ang BDO ng P30 Bilyon sa 300 MW Coal Power plant ng Therma South sa Mindanao, P17 Bilyon sa 2×300 MW Coal Power Plant ng Sem-Calaca sa Batangas, P11.5 Bilyon 2×150 MW Calaca Expansion ng Southwest Luzon Power, $280 Milyon sa 100 MW Coal Power Plant ng Sarangani Energy sa Mindanao,

$425 Milyon sa 460 MW Coal Power Plant ng Quezon Power sa lalawigan ng Quezon, P15.8 Bilyon sa 216 MW Co-Gen Plant ng SMC Power sa Limay, Bataan, at P8.7 Bilyon sa 135 MW Coal Plant sa South Luzon Termal sa Calaca, Batangas.

Malaking halaga rin ang ipinuhunan ng BPI: P3 Bilyon sa Aboitiz Power Corporation, P15 Bilyon sa power plant ng Meralco, $142 Milyon sa First  Gen, $400 Milyon sa Quezon Power, $500 Milyon sa AES Phils. Sa Masinloc), $715 Milyon sa Masinloc Power Corp., $16 Bilyon sa Cebu Energy Dev’t Corp., $720 Milyon sa GN Power Ltd., at P26 Bilyon naman sa Aboitiz Corp. (Therma South).

Ayon kay Gerry Arances ng Center for Energy Ecology and Development (CEED), hindi niya maintindihan kung bakit ang maruming energy power plant ang pinasok ng mga bangko gamit ang pera ng mga depositor.

Idiniin ni Arances na kasama ang mga coal mining at power plant sa Pilipinas sa kumpanya sa Asya na bumubuga ng maruming hangin.

Sa kasalukuyan, mayroong 41 coal-fired power plants sa bansa, 69 pa ang tatapusin hanggang taong 2020.

Aniya, batay sa pag-aaral, umabot sa 2,000 katao ang namamatay taun-taon dahil s polusyong ibinubuga ng coal mining at power plant.

Idiniin nina Pedrosa at Arances na dapat mapagpasyang pigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang huwag nang lumala ang sitwasyon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like