PCC, KONTRA MONOPOLYO PERO HADLANG SA MABILIS NA INTERNET

 

Ni: Marites Baditowerlla

 

BINATIKOS ng isang samahan ng internet surfers ang Philippine Competitive Commission (PCC) dahil sa pinipigilan umano nito ang pagpapabilis ng operasyon ng internet sa bansa.

Sabi ni Ramon Jose, convenor ng Internet Surfers Guild of the Philippines (ISGP), ang National Telecommunications Commission (NTC) ay binigyan ng kondisyon ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) at Globe Telecom, Inc. na pagbutihin ang serbisyo nito sa mga customer nito, partikular sa internet upang aprubahan ng naturang ahensya ang pagbili ng dalawang kumpanya sa  telecommunications business ng San Miguel Corporation (SMC) sa halagang P69.1 Bilyon at paggamit nila sa 700MHz at 2600MHz frequencies.

Nabili ng PLDT at Globe ang telecom business ng SMC nitong Mayo ng taong kasalukuyan.

Ang pagbili ay inimbestigahan ng PCC batay sa desisyon ng pamunuan nito sa pangunguna ni Arsenio Balisacan upang tukuyin kung mayroong paglabag sa Republic Act No. 10667, o ang Philippine Competition Act.

Ang tinutukoy ng PCC ay ang posibleng pag-iral ng monopolyo sa nasabing bilihan.

Ang punto rito ay magkakaroon ng monopoly kung walang magaganap na kompetisyon sa pagitan ng PLDT at Globe dahil nagkaisa ang dalawa na magkasama nilang binili ang telecom business ng SMC.

Ang PLDT at Globe ay magkakompetensiya sa telecom business.

Hindi kalaban ng PLDT ang Smart dahil pag-aari niya ito.

Pag-aari na rin ng Smart ang Sun Cellular ng pamilya Gokongwei.

Ang PCC ay isang quasi-judicial body na itinatag noong Enero 27,2015 na may layuning tiyaking iiral ang kumpitensiya sa mga negosyo sa bansa alinsunod sa R.A. 10667.

Hindi inaprubahan ng PCC ang pagbili ng PLDT at Globe sa telecom firm ng SMC dahil kulang umano sa “form and substance” at hindi dahil magkakaroon ng monopolyo.

Kinuwestiyon ng PLDT at Globe ang PCC dahil, idiniin ng dalawa na hindi batayan ang sinasabi nitong kulang sa porma at sustansya upang hindi aprubahan ang bilihang naganap.

Ayon pa sa Globe, hindi dapat nagpapasya ang PCC sa hindi sakop ng reglamento nito.

Iginiit pa ng Globe na awtomatikong pasado na ang pagbili nang magbigay ng abiso ang dalawang kumpanya sa PCC.

Ayon kay Jose, ang  pagbabalewala ng PCC sa kasunduan ng PLDT, Globe, at SMC ay nangangahulugang sadyang hinaharang ng PCC ang kagustuhan ng dalawang korporasyon na pabilisin ang takbo ng internet sa Pilipinas.

Aniya, ang dapat na isaisip ng PCC ay ang kapakanan ng mga customer.

Idiniin kamakailan ng PLDT at Globe na mapapabilis nila ang kanilang internet connection kung magagamit na nila ang

700MHz at 2600MHz frequencies.

Idiniin ni Jose na ang dapat isipin ng PCC ay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang operasyon ng internet sa Pilipinas.

Binanggit ito ni Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like