Paulate, tatanggalin ng Comelec sa Konseho

Paulate
Inaasahang tatanggalin sa puwesto si Quezon City Councilor Roderick Paulate ng Commission on Election (Comelec) dahil nagpasya ang Office of the Ombudsman noong Enero 21 ng taong kasalukuyan na hindi na maaaring humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan nang habangbuhay ang konsehal dahil sa mayroon siyang mga ghost employee batay. Ang pagkakaroon ng ghost employees ay paglabag sa Anti-Graft and Practices Law, kaya isang tipo ng korapsyon ang ‘pagmimintina’ ng ghost employees. (Mon Estabaya)
Sisibakin kaagad ng Commission on Election (Comelec) sa puwesto ang muling halal na si Quezon City Councilor Roderick Paulate dahil pinagbawalan na ng Office of the Ombudsman na manungkulan pa ang konsehal sa pamahalaan.
 
Ito ang argumento ni Rick Bello, dating peryodista, na naghain ng reklamo sa Comelec laban kay Paulate.
 
Kumbinsido si Bello na magpapasya ang Comelec pabor sa kanya dahil matibay ang kanyang mga inihaing argumento at paliwanag kung bakit wala nang karapatang maging konsehal si Paulate habangbuhay.
 
Si Bello, ay isang pastor at dating nagsusulat sa tabloid, ay iginiit sa Comelec na nagpasya na ang Office of the Ombudsman na wala nang karapatan si Paulate na magkaroon ng anumang puwesto sa pamahalaan, kasama na ang pagiging konsehal sa Quezon City o kahit na maging kawani ng barangay.
 
Ang desisyon ng Office of the Ombudsman na “perpetual disqualification for holding public office” dahil sa “ghost employees” scam ay inilabas noong Enero 21 ng taong kasalukuyan.
 
Sa nasabing desisyon, ipinasasauli din kay Paulate ang isang taon sahod na natanggap niya.
 
Ang ebidensiyang ginamit ng Office of the Ombudsman ay ang resulta ng imbestigasyong isinagawa ng Commission on Audit (COA) hinggil sa ghost employees.
 
Ang ibig sabihin ng ghost employees ay pangalan lang ng tao ito, ngunit wala talagang tao.
 
Ang layunin nito alinsunod ay upang kumita buwan-buwan ang benepesaryo dahil sa natatanggap nitong sahod mula sa pera ng mamamayan.
 
Tumakbo Si Bello bilang konsehal ng ika-2 Distrito ng Quezon City noong eleksiyong Mayo 9.
 
Nasa ikapitong puwesto  si Bello, kaya natalo siya.
 
Si Paulate, tumakbo sa ilalaim ng Liberal Party (LP) kasama si Mayor Herbert Bautista, ay nasa ika-6 na puwesto, kaya siya ay konsehal ulit ng Distrito 2.
 
Ang bawat distrito ay mayroon lamang anim na konsehal.
 
Si Paulate ay nagpasa ng kanyang certificate of candidacy (COC) noong Oktobre, 2015.
 
Naglabas ng desisyon ang Office of the Ombudsman noong Enero 21.
 
Matapos mapag-aralan ang desisyon, humihingi ng  temporary restraining order (TRO) sa Court of Appeals (CA) si Paulate.
 
Hindi pa nagdesisyon ang CA hanggang ngayon.
 
Napag-alaman ng Tapat News na hindi lang ang kampo ni Paulate ang nakaalam ng desisyon ng Office of the Ombudsman kundi maging si Mayor Herbert Bautista mismo.
 
Si Bautista na inaasahan sanang susunod at gagalangin ang desisyon ng Office of Ombudsman ay hindi man lang hinarang si Paulate sa muling pagtakbo.
 
Kaya, nanatili si Paulate sa LP.
 
Alam ng publiko na sina Bautista at Paulate ay matagal nang magkaibigan.
 
Ang dalawa ay parehong bantog na mga komedyante.
 
Matatandaan na sinabi noon ni Ombudsman Conchita Morales na  malinaw na nilabag ni Paulate ang Republic Act 3019, o mas kilala sa tawag na “Anti-Graft and Corruption Practices Law” kaugnay sa pagkakaron ng “ghost employees.”
 
Kaya naman ,si Paulate ay hindi na dapat o maaari pang manungkulan sa pamahalaan habang buhay, ayon pa kay Carpio.
 
Samantala,si Paulate kasama na ang ilang bagong halal na opisyal ng Quezon City ay manunumpa sa Hunyo 30.
Ani Bello, tiyak na hindi magtatagal si Paulate sa konseho dahil malapit na siyang sibakin ng Comelec.   (Paula Antolin)

You May Also Like