PATAYIN SI PETER LIM!

 

NASA NBI: Nagtungo dati si Peter Lim sa National Bureau of Investigation (NBI) upang sumailalim sa masusing imbestigasyon makaraang tukuyin siya noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa tatlong drug  kingpin sa bansa.
NASA NBI: Nagtungo dati si Peter Lim sa National Bureau of Investigation (NBI) upang sumailalim sa masusing imbestigasyon makaraang tukuyin siya noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa tatlong drug kingpin sa bansa.

Ni: Roy Bersales

 

WALANG nagawa si Director General Ronald dela Rosa, kundi amining inaasikaso na ng Philippine National Police (PNP) ang kaso laban kay Peter Lim na may kinalaman sa iligal na droga.

Isinapubliko ni Dela Rosa ang utos sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan at hulihin na si Lim.

Nangyari ito matapos na buweltahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Duterte hinggil sa umanoy pagprotekta nito kay Lim dahil sa litrato ng dalawa, ilang taon na ng nakalipas.

Sabi ni Dela Rosa, ipinag-utos na ni Duterte na aksyonan ang tungkol kay Lim makaraang makumpirma nilang drug lord ito.

Ayon pa sa hepe ng Philippine National Police (PNP), patayin si Lim kung lumaban ito sa mga pulis.

Ibinunyag noon ni Duterte na si Lim ay ikatlo sa mga nangungunang drug lord sa bansa.

Ang una ay si Peter Co at ang Pangalawa ay si Herbert Colanggo.

Ang dalawang ito ay nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP).

Si Lim ang pinagkukunan ng shabu ni Rolan “Kerwin” Epinosa, banggit umano ng kapatid ni Espinosa na si Rolan “Kevin.”

Si Espinosa ang numero unong drug lord sa Eastern Visayas.

Si Lim ay dati nang inimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit hanggang ngayon ay wala pang resultang isinasapubliko ang dalawang ahensya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like