Patayan sa QC Walang Humpay, 8 Tigok

BULAGTA: Isa sa apat na miyembro ng notoryus na sindikatong 'Asero' na pinamumunuan ni Narciso Asero ang napatay ng mga pulis ang sila ay magkabarilan sa kuta ng sindikato sa Quezon City. Patay din si Asero, kaya naubos ang sindikato. (Rafael Taboy)
BULAGTA: Isa sa apat na miyembro ng notoryus na sindikatong ‘Asero’ na pinamumunuan ni Narciso Asero ang napatay ng mga pulis ang sila ay magkabarilan sa kuta ng sindikato sa Quezon City. Patay din si Asero, kaya naubos ang sindikato. (Rafael Taboy)

Ni: Paula Antolin

WALANG katao ang namatay sa Quezon City, kabilang ang ‘bata’ ng pulis, dahil sa droga.

Ayon kay Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, direktor ng Quezon City Police District (QCPD), ang napatay na lima sa walo ay kabilang sa sindikatong “Asero carnapping, hold-up and drug syndicate.”

Ani Eleazar, pangunahin sa mga namatay ay si Narciso Asero, ang lider ng sindikato.

Ang iba pang namatay ay sina  Efren Valdez, Romeo Villanueva, isang alyas “Unya,” at Jun Catampatan alyas “Teteng.”

Sabi ni Eleazar, ang lima ay namatay nang makipagbarilan sa mga pulis ng QCPD Police Station 4 sa loob mismo ng kanilang kuta sa Sitio Kawayanan, Bry. San Agustin sa Novaliches.

Ayon kay Supt. Jerico Baldeo, hepe ng QCPD Police Station 4,  dakong 7:00 N.U. naganap ang operasyon.

Namatay din ang isang ‘bata’ ng pulis na siyang nag-tip sa pinagtataguan ng pangkat ni Asero.

Sinakal daw ng pangkat ni Asero ang nasabing police asset.

Ayon kay Baldeo, ang grupo ni Asero ay responsibale sa iba’t ibang klase ng krimen tulad ng carnapping at panghohold-up.

Pinasok rin ng sindikato ang pagbebenta ng shabu, saad ni Baldeo.

Katunayan, buy-bust operation ang operasyon ng pulis nang makipagbarilan sina Asero sa sa kanila, tugon pa ni Baldeo.

Ang mga nakuha sa kanila ay isang shotgun, isang baby armalite, isang samurai, isang kalibre 38, granada, mga shabu, at tsinaptsap na mga parte ng motorsiklo.

 

 

Sa hiwalay na insidente, may natagpuang biktima ng salvaging sa Mango St., Barangay Commonwealth dakong 1:00 N.U.

May dalawang tama ng bala ang biktima, isa sa ulo at isa sa katawan.

Ang biktima ng slvaging ay mayroong nakasubkit na karatola sa katawan na mensaheng “Huwag akong tularan, pusher ako.”

Ang biktima ay may mga tattoo sa katawan ng imahe ng babae

at mga pangalang “Mary”, “Dakonie”, “GFM”, “Eddie” at “Sputnik.”

Pagkaraan ng dalawang oras, isa pang biktima ng salavaging din ang nakita sa kanto ng Edsa at Scout Borromeo sa Brgy. South Triangle.

Ang biktima na ay marami ring tattoo sa kanyang katawan tulad ng “Gabriel”, “Noknok”, “GFM” at “Sputnik.”

Ang biktima ay mayroon ding karton na nakasukbit sa katawan na kung saan may mensaheng “Mandurukot ako sa Edsa!!! Huwag akong tularan salot ako!

Nitong Linggo, dalawang mandurukot din ang natagpuang patay.

Ang dalawa ay sinalvage din na pawang mga mandurukot sa Edsa.

You May Also Like