‘Patay kung patay, i-promote pa kita hanggang general’

Ito ang pinakabagong deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kampanya ng kanyang administrasyon laban sa droga.

Sabi ni Duterte, kung papatayin siya ng drug lord sa hired killer dahil sa P100 milyong pabuya ng drug lord, gagawin kong P150 milyon para patayin lamang ang magpapatay sa kanyang drug lord.

Pagaktapos ay ipopromote pa niya hanggang heneral kung isang Police Officer 1 ang pulis na makapapatay sa drug lord.

Ang pahayag ni Duterte ay may kinalaman sa inanunsyo kamakailan ni incoming Philippine National Police (PNP) chief, Chief Supr. Ronald “Bato” dela Rosa, na isa sa 19 na drug kingpin na nakakulong sa  New Bilibid Prisons (NBP) ay nangalap ng perang magiging pabuya sa makakapatay sa kanila ni Duterte.

Kamakailan, idiniin ni Dagupan-Lingayen Archbishop Socrates Villegas na ang “sistemang pabuya” ay hindi maganda, sapagkat naghihikayat ito na pumatay ng tao.

Sa tono ni Duterte, mukahng hindi na maaawat ang madugong gyera ng gobyerno laban sa drug lords.

You May Also Like