Panukala ukol sa multa ng Tubbataha, suportahan – Rep. Herrera-Dy

Pagkatapos ng U.S.S Guardian, ang sumunod naman na sumadsad sa Tubbataha reef ay ang isang Chinese fishing vessel.
Pagkatapos ng U.S.S Guardian, ang sumunod naman na sumadsad sa Tubbataha reef ay ang isang Chinese fishing vessel.

ship

Hinihingi ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Berandette Herrera-Dy ang suporta ng mga papasok na kongresista sa 16th Congress para sa panukalang pagtaas ng multa sa sisira sa Tubbataha Reefs.

Base sa panukalang ito ng kongresista, itataas ng 700 porsiyento ang multa sa mapapatunayang sisira sa Tubbataha. Dagdag pa na ang cash penalty aniya ay dapat na maitaas tuwing ika-limang taon kapag nagpatuloy ang pagsira sa Tubbataha Reef National Marine Park.

Ginawa ng kongresista ang paghahamon sa mga bagong manunungkulan sa Kongreso matapos na sadsaran muli ng isang Chinese vessel ang kilalang “world famous marine sanctuary” sa teritoryo ng Pilipinas.

“Maaaring walang presyo ang kahit katiting na sira sa ating ingatang-yaman na Tubbataha, pero ang ating karakter bilang mga Pilipino ay dapat pangalagaan din,” ani Herrera-Dy.

You May Also Like