Paniningil sa nurse trainee, ipagbabawal na

Nananawagan ang isang kongresista na maisabatas ang panukalang magbabawal at magbibigay parusa sa mga ospital na naniningil sa mga nars na nag-te-train para sa kanilang two-year mandatory work experience na kinakailangan para sa pag-aaply ng trabaho sa ibangbansa.

Isusulong ni ALE Party-list Rep. Catalina Bagasina ang House Bill 4293 dahil sa mga ospital na umaabuso at nangingikil sa mga nars na nais magkaroon ng work experience.

Ayon sa panukala, ang mga ospital na kulang sa nars ay kinakailangang mag-hire ng mga registered nurse bilang regular na nurse at hindi maaaring pagbayarin ng affiliation fees ang mga aplikante.

“Pero ang mga ospital na ito ay patuloy na nangongolekta ng mga affiliation fees mula sa mga naghihirap na mga graduate ng nursing,” dagdag pa ni Bagasina sa wikang Ingles.

Marami, ani Bagasina, mapa-public o private na ospital man, ay kulang sa tao at hindi na ma-meet ang patient-to-nurse ratio na standard ng gobyerno.

Dagdag pa ng kongresista, papatawan ng 12 taong pagkakakulong ang administrator, hospital officers o kung sino man ang may awtoridad na magpapatupad ng affiliation programs.

You May Also Like