Pangunahing pamantayan sa pagboto, pro-life

DSC_5036Para sa pamilya at para sa buhay. Ito ang sinasabing pangunahing pamantayan sa pagpili sa isang kandidato, ayon kay Dra. Amelita Go, executive director ng White Vote Movement, sa isang press conference kamakailan.

Ayon sa kanilang website, ang desisyon ng koalisyon ng mahigit 40 na grupo na hayagang mag-endorso ng mga pro-life na kandidato ay galing sa paniniwalang may malaking papel ang mga karaniwang tao na pangalagaan ang family values at ang buhay.

“We are not imposing, we are just offering these things,” dagdag ni Go.

Ilan lamang sa mga kinikilalang kandidato ng White Vote ay ang mga bumoto kontra sa dating Reproductive Health Bill na sina JV Ejercito, Mitos Magsaysay, Gringo Honasan, Antonio Trillanes at Koko Pimentel.
Dahil na rin sa ilang deliberasyon, nadagdagan ang listahang ito at inendorso na rin ng grupo sina Miguel Zubiri, Dick Gordon, Nancy Binay at Marwin Llasos.

You May Also Like