Pangalawang milagro ni John Paul II inaprubahan

VATICAN CITY, Italy – Inaprubahan na ng mga teologo ng Vatican ang ikalawang milagro ni pope John Paul II na ayon sa ANSA news agency ay “ikagugulat ng mundo”.

jp2

Ayon sa report, nangyari ang ikalawang milagro sa mismong araw ng beatipikasyon ni Beato John Paul II noong 2011, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang ANSA tungkol dito.

Matatandaang ang unang milagro ni Bl. John Paul II ay ang ‘di maipaliwanag na paggaling ni Sr. Marie Simon-Pierre sa Parkinson’s disease matapos humingi ng ‘intercession’ mula kay John Paul II.

Kinakailangan ng dalawang kumpirmadong milagro upang madeklarang santo ang isang tao.

You May Also Like