Pangako ni Binay TRABAHO!

Dalawang milyon kada taon o 12 milyon trabaho sa huling taon niya bilang president sa 2022 ang ipinangako ni bise-presidente Jejomar “Jojo” Binay ang pambato ng UNITED Nationalist Alliance (UNA) kapag siya ay nahalal na pangulo ng Pilipinas.

“We will spend at least P950 trillion every year for infrastructure projects. Government spending will not only spur economic activity; it will also create jobs. Government will be one of the biggest employers in the country.” Pahayag ni Binay sa isang campaign rally sa Bataan nun Labor Day, May 1.

Ayon pa kay Binay uunahin ng kanyang pamunuan ang pagpapagawa ng mga daan, airport at iba pang mga infrastructure projects sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na siyang makapagbibigay ng mga trabaho sa mga Filipino. Upang ito ay mapatupad ,ayon pa din sa bise-presidente, ang 7% ng GDP ng bansa (gross domestic product) ay ilalagay sa infrastructure projects ng gobyerno.
Bukod dito sabi pa din ng dating alkalde ng Makati, nasa tamang paggamit ng buwis ang ikagiginhawa ng bansa. Ito ay kanyang napatunayan sa taon ng kanyang paglilingkod bilang alkalde ng Makati.

Sa paggamit ng buwis sa tamang paraan ang mga residente ng Makati ay nagkaroon trabaho, libreng edukasyon at mabisang health care program na tumutugon sa pangkalusugang pangangailangan.

Sinabi pa ni Binay,na siya ay kumpante na maipapatupad niya ang mga ito sapagkat nagawa niya ang mga naturang proyekto sa Makati City. At hindi siya nababahala sa mga sinasabi ng kanyang mga katunggali sa politika na hindi ito maisasakatuparan.

Bigwas pa ng bise-presidente na isa sa mga kalaban niya sa pagkapangulo ay kulang ang karanasan sa pagpapatakbo ng pamahalaan at salat ang kaalamanan sa paglikha ng trabaho para sa mamamayan. Habang ang isa pa niyang katunggali ay pagpapapatay ang magiging solusyon sa mga suliraning ng bansa.
Bukod dito sinabi ni Binay na hindi magandang nag-uunderspend ang gobyerno pero salat naman sa serbisyong publiko. Isinawalat ni Binay na nagpahayag ang Commission on Audit na may P2.1 trillion savings ang kasalukuyang gobyerno mula taong 2011-2014:

• P411.7 billion – 2011
• P333.7 billion – 2012
• P589.5 billion – 2013
• P840.0 billion – 2014

Ngunit hindi ito matatawag na savings sapagkat hindi naman ito napakinabangan ng mamamayan. Ang sagot sa kaginhawaan ng bayan ay ang tamang paggamit ng buwis at hindi underspending. “Dahil sa underspending, maraming Pilipino ang naghihirap, panahon na po upang wakasan ito,” ang hirit pa ni Binay. (Pamela Sue)

You May Also Like