Pangako ma’y Napapako: #LihamSerye sa Presidente (Part 2)

Dear Jojo, you owned the stage ngunit yung mga palakad lakad mo sa buong entablado ay hindi nangangahulugang magaling ang pinagsasabi mo at naniniwala kami sa mga satsat mo. “ Alam mo”, yan ang laging bungad ng sagot mo, at sinasabi ko sa ‘yo, “oo alam ko na noon pa umiiwas ka sa totoong mga issue at ang pinangangalandakan mo, ganito kami sa Makati.” Galing ako sa hirap sinasabi mo, marunong kang maglaba, magplantsa, puwes bakit ang dumi dumi ng pangalan na naiwan mo. Nang iinsulto ka na sa aming mga dukha eh. And please note, hindi kami nangangailangan ng katulong na maglalaba, at magplantsa ng damit ng bayan. Ang madumi at kinalumaan, tinatapon na. We want a transparent leader, Yung hindi ililihis ang mga tunay sa hindi, yung hindi kami ipagmumukhang lalong kawawa, kasi kahit na naghihingalo na ang bansang ito, nakikita ko na may liwanag.

[Read #LihamSerye sa Presidente (Part 1)]

Dear Mar, in fairness to you, aral ka at madami alam na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon, ika mo nga, ginagawa na ng daang matuwid. Wow pa ang sagot mo kay Ma’am Miriam nung tumpak ang sagot mo sa recitation mo. Puna nga ni Ma’am, na elitist ang peg mo at ni Paolo. Ayos din namang itanong mo ulet kay Nognog ang oras sa pagsagot ng reklamo laban sa kanya kaso lang, ikaw naman ang lumalabas na laging may pasaring at namimikon. Disenteng gobyerno, pero sana huwag ka masyadong epal na speaker ni Noynoy sa mga proyekto nito. Alalahanin mo ikaw etong kandidato at ang perang ginagastos mo hindi lahat sa ‘yo. Sabi mo nga, the best is yet to come, kaabang-abang nga naman, pati tsinelas ni Aling Koring na logo na ng Malacañang. Hindi ko alam kung kaya kong hintayin yan, bahala na si Batman.

Dear Miriam, hindi ko alam ngunit sa pulang damit mo kahapon, mukhang Miss Minchin at principal ang dating sa mga estudyanteng katunggali mo. May dead air nga lang minsan, kaya lutang kaming nag-aabang. Ngunit ang magic mo hindi pa din nawawala sa kabataan, pati si Digong tikom ang bibig sa paggalang. Ang tapang mo Ma’am, lalo na noong closing statement na may lamang ipinaglalaban. Kaya pa ba Ma’am? Emiritus ang peg mo sa pagsagot sa international law, ngunit ang cancer mo, hindi lang zodiac sign ito, totoo! Ngunit mala “I survived” ang resolve mo, ika mo nga you can think, you can pray. Sino nga ba ang magtatanong sa 3-Excellence na sinasabi mo. Opo Ma’am, mag-iisip ako hindi base sa kursunada. You will never stop, ok po. Go lang.

You May Also Like