Pangako ma’y Napapako: #LihamSerye sa Presidente (part 1)

Ang kampanya ay halos patapos na. Narinig na naman natin ang mga kandidato sa pagkapangulo na nagpakita ng marami pang angking pakulo, pambobola, pasikat at plataporma para lang mailuklok sa pinagpipitagang posisyon sa Malacanang. Oo na, pero di nila alam na si Juan at Juana pa din ang bida. Kaya ang mga liham na ito ay para sa limang nag-aapply sa atin- kanilang magiging boss, tayong mamamayang Pilipino.

Dear Digong, nag umpisa ka sa medyo malumanay na pananalita at pinakikinggan ko ang mga titik ng mga sinasabi mo. Maayos naman ang mga punto mo, marahil ni-remind ka na din siguro ng mga PR persons mo. ngunit noong naka bwelo ka na, bumalik na naman ang basa ng bibig at dila mo. Siguro hindi lang ako sanay sa klaseng pananalita mo. You say, change is coming but when I saw you silently said p.i. mo, nabasa ko sa bibig mo eh, hindi lang talaga tamang halimbawa ang binibigay natin sa bayang watak watak na. OO hindi ka sa salita, ngunit sa gawa pero ang salitang ito ang pagsisimulan lalo ng hidwaan, ng hindi pagkakaintindihan at hindi mo na magagawa ang balak mo. Ayoko din sa mga nangongopya, kasi dapat tinuturo natin yung magandang asal para sa change sa bayang ito. At sa pagtanim mo ng bandila ng bansa natin sa inaagawang teritoryo, bilib ako kasi kaya mong gawin ang hakbang hindi popular. Batas, hindi dahas. Pagpatay is not for me a solution for all these. Non violent communications siguro pwede na ding umpisahan. Marami ka actually magandang balak, pero ang hinahanap ko, yung pwede nating ipagmalaki sa mundo na hoy, Pilipino ako.

Dear Grace Poe, bumalik na naman tayo sa iyong ama, na pwede sana sabihing kung anong puno ay siyang bunga, pero wala kayo talaga connect ni FPJ eh at ang mga ginawa nya, lahat pampilikula, drama at maaksyon pa. Ang husay mo nang magsalita, may mga detalye lang na mali ang sinasabi mo sa amin para may mabanggit ka lang, hindi kasing puti ng suot mo ang intention mo. Hindi magandang script ang basa mo, sa gobyernong may puso, hindi kita ang sinseridad mo, kungdi maingay lang ang putak mo tulad ng bise mo. Ang iyong ama ay nakaka- connect eh, sa pilikula, ikaw hindi sa pampulitika. At nung sinasabi mo, bagong ligo, bagong buhay, bagong boyfriend, ano pa, bagong citizenship sa asawa’t anak mo? Oo, ang gobyerno dapat may puso. Hindi mo lang kami pinagpapakaplastikan eh, not only once. At Ako, hindi ako papayag na sa panunungkulan mo may Americano sa Malakañang. Bago na please, huwag na ang ama mo ang sisimulan mo.

(Atty Rodel Taton)

You May Also Like