Pamumudmod ng giveaways, itigil na! – Comelec

Tuwing panahon ng kampanya, hindi lamang mga flyer at sticker ang pinamimigay kung hindi mga samu’t saring bagay na pinagbabawal ng Comelec.
Tuwing panahon ng kampanya, hindi lamang mga flyer at sticker ang pinamimigay kung hindi mga samu’t saring bagay na pinagbabawal ng Comelec.

MARIING nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa nalalapit na May 13 midterm polls na itigil na ang walang humpay na pamumudmod ng giveaways sa mga botante tuwing nangangampanya.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., bunsod ng tila walang tigil na pamimigay ng giveaways ng mga pulitiko ay nakatakda na itong maglabas ng panibagong panuntunan na nagsasaad ng tamang halaga ng mga giveaways na maaaring ipamigay ng mga kandidato.

Giit ng poll chief, kung hindi pa din umano titigil ang ilang mga kandidato sa gawaing ito ay maaari na silang makasuhan dahil maituturing ang pamimigay ng kung anu-ano sa mga botante na vote-buying o pagbili ng boto.

Nagbigay pa ng halimbawa si Brillantes, katanggap-tanggap naman umano ang pamamahagi ng bote ng mineral water sa tao tuwing campaign rallies lalo na ngayong summer season upang makaiwas sa heat stroke, subalit ibang usapan na umano ito kapag malalaking botelya na ito ng tubig. (PA)

You May Also Like