Pamilya ng Kapatid ni Ex-Agriculture Sec. Alcala, Drug Lord?

 

Ni: Roy Bersales

 

NAALALA n’yo ba ang mag-amang Athelano at Sahjid Alcala na sumuko sa Philippine National Police (PNP) ng Quezon nitong nakalipas na buwan?

Sina Athelano at Sahjid ay tukoy na “high-value targets” ng PNP sa operasyon ng iligal na droga sa Quezon.

Ang asawa ni Athelano na si Maria Fe at anak nilang si Toni Ann ay hindi nagsipagsuko sa PNP – Quezon kasabay nina Athelano at Sahjid nitong Agosto, samantalang tukoy sila ng PNP – Quezon na  pawang “high-value targets.”

Ayon sa PNP, sina Maria Fe at Toni Ann ay nadakip ng mga operatiba ng PNP – Quezon sa ganap na 9:40 P.M. nitong Linggo sa Leveriza Subdivision, Barangay Isbang, Tayabas City.

Sabi ni Superintendent Noel Donato Nuñez ng Quezon Police Provincial Office, 115 gramo ng shabu at mga parapernalya sa paggamit ng bawal na gamot ang nakuha kina Maria Fe at Toni Ann sa isinagawang buy-bust operation laban sa kanila.

Idiniin ni Nuñez na pawang mga “high-value targets” ang mag-ina.

Si Maria Fe ay hipag nina dating Agriculture Secretary Proceso Alcala, Quezon 2nd District Rep. Vicente Alcala, at Lucena City Mayor Roderick Alcala, sapagkat kapatid nitong tatlo ang asawa ni Maria Fe na si Athelano.

Kaya, pamangkin din nila si Toni Ann.

Ang mag-ina ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nitong nakalipas na anim na taon ay sinasabing hindi puwedeng galawin at bawal hulihin ang pamilya nina Athelano at Maria Fe, sapagkat sila ay mga Alcala.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like