Pamahalaan Gawing Importer ng Gasolina

 

Ni: Joel O. Amongo

 

PROTESTA LABAN SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS:Tahasang nanawagaan ang anakpawis party-list sa pamahalaan na akuin na nito ang pag-angkat ng mga produktong petrolyo upang mapigilan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga ito, (Rafael Taboy)
PROTESTA LABAN SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS: Tahasang nanawagan ang Anakpawis party-list sa pamahalaan na akuin na nito ang pag-angkat ng mga produktong petrolyo upang mapigilan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga ito, (Rafael Taboy)

HINIKAYAT ng Anakpawis party-list ang administrasyong Duterte na akuin nito ang pag-angkat ng mga produktong petrolyo upang mababa ang presyo ng mga ito kaysa manatili sa mga kumpanya ng langis.

Sa isinagawang kilos-protesta ngayong umaga sa Philcoa, Quezon City, tahasang kinundena ng Anakpawis ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ng mga malalaking kumpanya ng langis sa bansa, na tingin ng grupo ay malaking perhuwisyo ito sa mga motorista.

Anang grupo, tinatamaan din ang presyo ng mga batayang bilihin kapag patuloy na tumataas ang presyo ng langis.

Ngayong Martes ng 6:00 ng umaga ay tumaas ang mga presyo ng gasolina, diesel, at kerosene ng Pilipinas Shell, Chevron (Caltex Phils.), Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Seaoil at Flying V ng P0.50, P0.15 at P0.20 bawat litro, ayon sa pagkakasunod.

Nitong Agosto 23 ay tumaas din ng P1.45 kada litro ang presyo ng diesel at P1.35 naman sa kerosene at gasolina bawat litro.

Nagtaas din nitong Agosto 16 ng P0.55 kada litro sa gasolina, P0.70 bawat litro sa diesel.

Sa press statement ng grupo, idiniin ni Anakpawis party-list Rep. Arial Casilao na tila sinasadya ng mga kumpanya ng langis ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil madalas na itong nangyayari.

Ani Casilao, naniniwala ang Anakpawis na mapipigilan ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis kung gobyerno ang umaangkat nito mula sa ibang bansa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like