Palyado ang BOC?

 

Commissioner NICANOR FAELDON
Commissioner NICANOR FAELDON

Ni: Roy Bersales

 

HINDI nakamit ng Bureau of Customs (BOC) ang P35.79 Bilyon target nitong Setyembre.

Sa datos na isinapubliko ng BOC, umabot lang sa P33.95 Bilyon ang nakolektang buwis ng ahensya.

Kaya, P1.84 Bilyon ang kulang sa target.

Ngunit, kahit hindi nakamit ang tudla, iniyabang pa rin ng BOC, sa pamumuno ni Commission Nick Faeldon, na mas mataas ang buwis na nakolekta nitong Setyembre kumpara sa parehong buwan nitong nakaraang taon.

Umabot lamang sa P32.65 Bilyon ang nakolekta ng BOC noong Setyembre, 2015, o katumbas ito ng 3.97%.

Sa 17 distritong hawak ng BOC, anim ang lumampas sa tudla nila nitong Setyembre.

Ito ay ang:

-Port of Clark na P225.2 Milyon ang nakolekta;

-Port of Iloilo, P211.8 Milyon;

-Port of Zamboanga, P19.5 Milyon;

-Port of Cebu na umabot sa P1.759 Bilyon;

-Port of Davao na P1.052 Bilyon ang nakolekta; at

-Port of Batangas, P8.529 Bilyon.

Sa kabuuan, nasa P288.1 Bilyon ang nakolektang buwis ng BOC ngayong Setyembre, higit na mataas ng 7.41% kung ikukumpara sa P268.22 Bilyon noong Setyembre,2015.

Idiniin ni Faeldon na ang koleksyon ng buwis na higit na mataas kung ikukumpara sa nakalipas na taon ay resulta ng pagtutok sa korapsyon sa BOC.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like