Palpak ang Mungkahi ng DTI

 

Sec. RAMON LOPEZ
Sec. RAMON LOPEZ

Ni: Marites Badilla

 

BINATIKOS ng pinaka-malaking alyansa ng mga organisasyon ng mga manggagawa sa Pilipinas ang mungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) na gawing regular ang mga empleyado ng manpower agencies, sa halip na mismong mga manggagawa ng mga kumpanyang nangangailangan.

Idiniin ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na ang ideya ng DTI ay pambabalasubas sa batas-paggawa, dahil walang ganyang probisyon sa batas-paggawa.

Idiin ni Alan Tanjusay, taga-pagsalita ng ALU-TUCP, na ang mungkahi ni DTI Sec. Ramon Lopez ay isang “porma ng pang-aalipin” sa mga manggagawa.

Ang pahayag ng ALU-TUCP ay reaksyon sa mungkahi ng DTI sa Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular ang mga empleyado sa manpower agencies.

Ayon kay Gerardo Seno, executive vice president ng ALU-TUCP, hindi matitigil ang kontraktuwalisasyon kung ang solusyon ay gawing regular ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa manpower agencies.

Alam ng DOLE na napakaraming manpower agency sa bansa na nagpapatrabaho nang limang buwan sa maksimum at wala sa minimum ang sahod kada buwan.

Matatandaang nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang wakasan ang kontraktuwaalisasyon, o end of contract (endo), sa bansa dahil kawawa ang mga manggagawa sa sistemang ito.

Limang buwan ang maksimum ng paghahanap-buhay ng mga kontraktuwal na manggagawa, kaya endo ang tawag.

Ang problema, hanggang ngayon ay wala pang subtansiyal na nagagawa ang DOLE.

Idiniin ni Tanjusay na hindi dapat patulan ni DOLE Sec. Sylvestre Bello III, sapagkat hindi tamang solusyon ang gawing regular ang mga manggagawang nasa manpower agencies.

Ang tama ay gawing regular ang mga manggagawa sa mga kumpanya, susog ni Tanjusay.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like