Palakasin ang ALS

 

Ni: Roy Bersales

Sen. LOREN LEGARDA
Sen. LOREN LEGARDA

 

UMAASA si Senadora Loren Legarda na lalagyan ng malaking pondo ng Department of Education (DepEd) ang Alternative Learning System (ALS) nito upang makalaya ang milyun-milyong mangmang na mga Pilipino.

Ani Legarda, dapat lakihan ang pondo ng ALS upang makapag-aral din ang mga out-of-school-youth, katutubo, mga taong may kapansanan, at mga mayroon nang edad na hindi nakapasok sa paaralan.

Ang ALS ay programa ng DepEd na ang layunin ay mabigyan ng edukasyon ang mga hindi nakapagtapos ng sekondarya upang makapasok pa sa kolehiyo.

Ani Legarda, mahalaga na maging “literate” ang lahat ng mamamayan.

Sa diksiyonaryo ng DepEd, ang ibig sabihin ng literate ay marunong bumasa at sumulat.

Ang hinihinging badyet ng DepEd para sa 2017 ay P567.56 Bilyon.

 

Sec. LEONOR BRIONES
Sec. LEONOR BRIONES

Umabot sa 33% ang inilaki mula sa P436.5 Bilyong badyet para sa 2016.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, kasamang tutustusan ang ALS sa P567.56 Bilyon.

Ani Briones, plano ng DepEd na palakasin at palawakin ang sakop ng ALS lalo pat’ mayroong 16.59 milyong Pilipino sa kabuuang bilang ng mga maggagawa ang  hindi nakapagtapos ng sekondarya hanggang nitong Abril ng taong kasalukuyan.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing bilang ay 39.03% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa.

Sabi ni Briones, ang ALS ay ipapasok ng DepEd sa K to 12.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like