Pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China, Makabubuti sa Ekonomiya

 

duterte-in-chinaNi: Marites Badilla

 

ISA sa mga nangungunang pampinansyang institusyon sa Pilipinas ang nagtaya na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng pagkakaayos ng relasyon ng Pilipinas at China.

Ayon sa pangulo ng BPO Capital na si Eduardo Francisco, hindi totoong negatibo ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang pakikipag-ayos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ang pahayag ni Francisco ay may kaugnayan sa $24 Bilyong halaga ng kasunduan ng Pilipinas at China para sa kalakalan at pamumuhunan sa bansa na naiuwi ni Duterte sa apat na araw ng opisyal na pagdalaw nito sa China.

Ang totoo, malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa ang bagong relasyon ng Pilipinas at China, sapagkat pinalawig nito ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa, ani Francisco.

Ang China ay itinuturing ng mga negosyante, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa iba pang bansa na isang ‘higanteng merkado,’ dahil sa lawak ng dami mamimili sa bansang ito.

Ang pahayag ng opisyal ng BPO Capital ay taliwas sa persepsyon ng publiko na masama ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang pakikipagkaibigan ng bansa sa China.

Ang totoo, maraming negosyanteng Pilipino na matagal nang namuhunan sa China tulad ni Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, at marami pang iba.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like