Pagsabog sa Parañaque City Jail planado

 

 

 Ng: Tapat News Team (TMT)
 
PINANINIWALAANG planado ang pagsabog na naganap sa Parañaque City Jail nitong Huwebes na ikinamatay ng 10 bilanggo.
 
Ito ngayon ang pinaniniwalaan ng mga kaanak ng mga biktima, dalawang araw ang lumipas mula nang maganap ang insidente.
 
Sabi ni Cindy Manampen, pinsan ng isa sa mga namatay, halos tanggalan ka ng underwear kapag pumapasok sa loob ng city jail tapos mayroong nakapasok na granada, baril, at patalim.
 
Idiniin ni Cindy na napakahigpit ng mga bantay sa Parañaque City Jail, kaya nagtataka siyang mayroong granada, baril, at patalim na nakapasok sa loob ng bilangguan.
 
Sabi ng ikalawang hepe ng PNP – Parañaque na si Supt. Wilson Doromal sa press statement na inilabas nitong Biyernes na ilan sa mga preso ay may hawak na baril, balisong, at granada.
 
Ani Doromal, humihiling ang sampung bilanggo ng pakikipag-usap kay Supt. Gerald Bantag dahil gusto nilang lumipat ng selda.
 
Ayon sa ulat, pagkatapos biglang sumabog ang granada—walo ang biglang namatay at dalawang Intsik ang malubhang nasugatan ngunit namatay din sa ospital.
 
Tinamaan daw si Bantag, kaya itinakbo siya sa ospital, ayon kay Doromal.
 
May balita ring drug dealers ang mga biktima, ngunit walang makitang batayan na magpapatunay dito.
 
Nanindigan ang pulis    Parañaque na ang pagsabog ng bomba ay nagmula sa mga bilanggong namatay.
 
Sabi ng mga imbestigador sa media, inaalam pa ng pulisya kung sino ang eksaktong naghagis ng granada mula sa 10 namatay.
 
Iniimbesigahan din daw ng pulisya kung paanong nakapasok sa city jail ang granada, baril, at balisong kung totoo ang sinasabi ni Cindy na mahigpit ang mga taga-city jail.
 
Kumbinsido rin ang isang Cristina King na “planado ‘yun” batay sa pangyayari.
 
Pagkasabog ng granada, patay agad iyong walo, pagtataka ni King.

You May Also Like