Pagpili ng Santo Papa, isasagawa ngayong araw

VATICAN—Tinakda na ng mga Kardinal na magsagawa ng pagboto sa susunod na Santo Papa ngayong araw, Marso 12.

Matapos ang isang misa sa St. Peter’s Basilica, magsisimula na ding magbotohan ang mga kardinal sa Sistine Chapel.

Isang daan at labing limang kardinal ang boboto hanggang sa isang kandidato ang makatanggap ng 2/3 o 77% ng kanilang suporta.

You May Also Like