‘Pagluha ng dugo’ ng Birhen sa Cebu, wag paniwalaan!

NANANAWAGAN ang isang opisyal ng simbahan sa mga Cebuano na huwag basta basta maniniwala sa ‘di umanoy nagmimilagrong imahen ng Birheng Fatima kung saan ito hinihinalang lumuluha ng dugo.

Ayon kay Msgr. Esteban Binghay, ang episcopal vicar ng Southern Cebu parishes, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Archdiocese of Cebu bunsod ng nababalitang pagluha ng dugo ng imahen.

Ani Binghay, huwag munang maniniwala sa mga ganitong milagro dahil maaari lamang umano itong manipulahin ng tao, elemento ng demonyo o ng kalikasan.

Matatandaang kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga tao ang imahen ng Birheng Fatima sa bahay ng pamilya Rayla sa Sitio Kanhay Lutaw-lutaw, Barangay Tisa, Cebu City.

Samantala, una na umanong umiyak ng dugo ang imahen noong Biyernes Santo at nasundan pa ng mga sumunod na araw.

You May Also Like