Paglinis ng kalsada, summer job mula sa DPWH

HINDI bababa sa 400 na manggagawa, kasama ang mga mag-aaral, out-of-school youths, at ilan sa mga Filipino deportees mula Malaysia ang natanggap sa summer job na paglinis ng kalsada.

Ayon kay DPWH South Cotabato secretary Emil Sadain, ang layunin ng ‘Oplan Linis Bayan’ ay panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng mga kalsada at ng iba’t ibang bayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Para sa taong ito, ginamit ng ahensiya ang savings nito para magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga kabataan na makatatangaap ng P250 bawat isa kada araw.

Ayon naman kay Nur Jihan Anton, isang estudyante, ang makukuhang sweldo ay gagamitin niyang pambayad ng matrikula ngayong pasukan. [Clarissol Reonal]

You May Also Like