Pagdilao, Garbo, Diaz, Tinio at Loot, drug syndicate protector – Duterte

Ni: Joel O. Amongo

Walang kaabug-abog na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Generals Joel Pagdilao, Marcelo Garbo, Edgardo Tinio, Vicente Loot at  Bernardo Diaz na protektor ng sindikatong droga sa bansa.

Inilahad ang ‘lihim’ ng mga nasabing heneral nang magtalumpati si Duterte sa ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) sa Pampanga.

Nagulat ang maraming opisyal ng militar, pulisya at iba pang panauhin sa nasabing okasyon dahil hindi nila inaasahang ilalabas ni Duterte  ang mga pangalan ng mga heneral na sangkot sa droga.

Pinasisibak ni Duterte ang mga heneral na akttibo pa srbisyo tulad nina Pagdilao at Tinio.

 

 

Inatasan ni Duterte ang National Police Commission (Napolcom) na gawin kaagad ang nararapat gawin sa mga nasabnggit na heneral.

Sinabihan din ng Pangulo ang mga heneral na makipagkita ang mga ito kay Director-General Ronald “Bato” Dela Rosa, bagong PNP chief.

“Huwag ninyong sirain ang bayan. I’ve been warning everybody. Dot not destroy my country because I will kill you,” diin ni Duterte.

You May Also Like