Pagdakip sa Isang Radio Reporter, Kinondina ng NPC, QCPDPC

 

BAKIT DINAKIP?: Malaking palaisipan ang pagkakadakip at pagkakakulong ni GMA-DZBB Reporter Olan Bola, gayong ginampanan lamang niya ang kanyang gawain bilang mediaman. (Jan Sinocruz)
BAKIT DINAKIP?: Malaking palaisipan ang pagkakadakip at pagkakakulong ni GMA-DZBB Reporter Rolan Bola, gayong ginampanan lamang niya ang kanyang gawain bilang mediaman.Makikita sa litrato na mistulang kriminal si Bola dahil nanatiling siya ay nakaposas habang kinukuhaan ng blood pressure. (Jan Sinocruz)

Ni: Jan Sinocruz

 

TAHASANG kinondina ng National Press Club (NPC) at Quezon City Press Corps (QCPD) ang pag-aresto sa isang radio reporter habang ginagampanan nito ang kanyang trabaho na ayon sa dalawang asosasyon ay maling-mali ang ginawa ng pulis na nanghuli.

Ayon kay Benny Antiporda, bise-presidente ng NPC, maling-mali ang ginawa ni PO2 Stephen Purugganan kay Rolan Bola ng GMA-DZBB.

Walang nagawang “obstruction of justice” si Bola, saad naman ni Almar Danguilan, pangulo ng QCPDPC.

Base sa ulat, nagsimula ang pangyayari nang kukunin ni Bola ang detalye (tulad ng oras at pagkakakilanlan ng mga biktima ng akidente habang nasa ospital ang mga biktima) nang magalit si Purugganan kay Bola.

Ang pagkakabangga sa ilang tao ng Mitsubishi Pajero na may plakang CST 140 na minamaneho ng isang Carlos Abdullah Teperdjian ay naganap dakong 12:30 ng madaling araw ng Miyerkules

sa harapan ng Metro Antipolo Hospital sa Lungsod ng Antipolo.

Pagkatapos ng aksidente, agad na itinakbo ang mga biktima sa Eulogio “Amang” rodriguez Hospital sa Lungsod ng Marikina.

Sabi ng mga tao sa Eulogio “Amang” Rodriguez Hospital, ikinagalit ni Purugganan ang ginawang pag-interbyu ni Bola sa mga biktima ng aksidente habang nasa loob ng Eulogio “Amang” Rodriguez Hospital sa Lungsod ng Marikina.

Pilit daw ipinatitigil ni Purugganan ang pag-rereport ng live sa radyo ni Bola, ngunit patuloy na nag-ulat ang nasabing reporter ng GMA-DZBB na lalong ikinagalit ng nasabing pulis hanggang pinosasan nito at dinakip si Bola.

Ngunit, sa halip na ipasa si Bola sa pulisya ng Lungsod ng Marikina na siyang wasto at ligal na proseso, sapagkat dito naman sa lugar na ito siya dinakip ng nasabing pulis, dinala ni Purugganan si Bola sa himpilan ng pulisya sa Lungsod ng Antipolo kung saan nakadestino ang nabanggit na pulis.

Dinayo pa ni Antiporda sa Antipolo si Purugganan at kinausap ito sa harap ng kanyang hepe upang makalabas na ng kulungan si Bola, ngunit tahasang benalewala ni Purugganan ang dalisay na pakay ni Antiporda.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like