PAGCOR, DepEd at DPWH, nagtutulungan para sa maayos na classrooms

Tinatayang aabot sa 50,921 ang kulang na classroom sa bansa.
Tinatayang aabot sa 50,921 ang kulang na classroom sa bansa.

TULUNG-TULONG ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatayo ng 2,000 na bagong silid-aralan sa taong 2014.

Ang nasabing partnership ay sagot upang matugunan ang kakulangan sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, ang nasabing additional na mga silid-aralan ay itatayo ng DPWH na popondohan naman ng P2 billion na donasyon ng PAGCOR.

Naglagdaan na ng memorandum of agreement (MOA) sina PAGCOR Chair and CEO CristinoNaguiat,  DPWH Secretary Rogelio Singson at DepEd Secretary Luistro.

Ani ng kalihim, ang hakbang na ito ng tatlong ahensiya ay malaking tulong upang mapunan ang lumalaking problema sa kakulangan sa silid-aralan. (GC)

You May Also Like