Pagbuo sa QC Tourism Department, aprubado na

qc circleNilagdaan na ni Quezon City mayor Herbert Bautista bilang isang batas ang ordinansa na lumilikha sa QC Tourism Department (QCTD) na susubaybay at mangangasiwa sa pagpapalawig ng industriyang turismo sa QC.

Kinailangan na likhain ng lungsod ang QCTD upang maipatupad ang hangaring maging isa ang QC sa premier tourism urban destinations sa bansa.

Sa pagbubuo ng QCTD ay inaasahan ang pagkakaroon ng barangay tourism councils upang mabigyan-daan ang tourism development sa mga barangay sa lungsod.

Ang QCTD ay makikipag-ugnayan din sa pamunuan ng Parks Administration and Development Department sa lungsod upang mapangasiwaan ang national events na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Parks department ng QC. (RP)

You May Also Like