Pagbabawal ng softdrinks sa mga eskwelahan, pinag-aaralan ng Malakanyang

Pag-aaralan ng administrasyon kung dapat nga bang ipagbawal ang softdrinks sa mga paaralan, tulad sa New York City sa U.S. kung saan bawal sa buong lungsod ang mga nasabing high calorie na inumin.
Pag-aaralan ng administrasyon kung dapat nga bang ipagbawal ang softdrinks sa mga paaralan, tulad sa New York City sa U.S. kung saan bawal sa buong lungsod ang mga nasabing high calorie na inumin.

Bukas umano ang Malakanyang na tuluyan nang ipagbawal ang pagbebenta ng softdrinks sa mga pampublikong paaralan sa bansa upang maiwasan na din ang mga kabataang mag-aaral ang mataas na sugar content ng mga produktong ito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa umano ang palasyo na pag-aralan na ang naturang pagbabawal subalit kinakailangan pa din umanong ikonsulta ang usaping ito sa Department of Education (DepEd) at sa Department of Health (DOH).

“Meron din pong iilan na pribadong eskwelahan na hindi po sila pumapayag na magbenta ng soda sa mga kantina nila o saan man sa loob ng eskwelahan dahil mismo sa high sugar content [ng mga produktong ito]. Hindi po ito nakakabuti dun sa mga bata,” paliwanag ni Valte sa isang panayam sa radyo.

Sa kabilang dako, suportado din ng Malakanyang ang kampanya ng DOH na ipagbawal na din ang pagbebenta ng mga produkto at pagkain na mataas sa calories sa mga paaralan sa bansa maging ang tamang food labeling sa mga ito.

You May Also Like