Pag-atake sa katedral, parang pag-atake na rin sa presidente

EGYPT—Tinuligsa ng presidente ng Egypt na si Mohamed Mursi ang pag-atake sa Coptic Orthodox Cathedral sa Cairo noong Linggo, kung saan nag-iwan ng isang patay- matapos ang libing ng apat na Kristiyanong namatay sa karahasan noong Biyernes.

Ayon kay Mursi, anumang pag-atake laban sa katedral ay isa na ring pag-atake sa kanya bilang indibiduwal at presidente ng Egypt.

Sinabi ito ni Mursi kay Coptic Christian Orthodox Pope Tawardos II sa isang panayam sa telepono.

You May Also Like