Pag-absuwelto sa 2 Pulis QCPD, Daang Magtutuwid sa ‘Ted Failon’s Wife’s Death’ noong 2009

 

Ni: Jan Sinocruz

TED FAILON: Ang asawa ng namatay na si Trinidad Etong ay naabsuwelto, kasama ang iba pa, mula sa reklamo ng mga pulis sa piskalya hinggil sa paglilinis ng pinangyarihan ng krimen bagoo dumating ang mga pulis sa bahay ng mga Failon/Etong sa Tierra Fura, Quezon City.
 TED FAILON: Siya ang asawa ng namatay na si Trinidad Etong ay naabsuwelto, kasama ang iba pa, mula sa reklamo ng mga pulis sa piskalya hinggil sa paglilinis ng pinangyarihan ng krimen bago dumating ang mga pulis sa bahay ng mga Failon/Etong sa Tierra Fura, Quezon City.

 

MALAKI ang pag-asang maitutuwid ang maraming pagkakamaling nagtakip at naglihim sa kontrobersiyal na pagkamatay ng asawa ng sikat na sikat na newsreader at radio commentator ng ABS-CBN Broadcasting Corporation makaraang iabsuwelto ng korte ng Quezon City ang dalawang pulis na kinasuhan dahil sa naganap krimen.

Sa 13-pahinang desisyon, idiniin ni Judge Janet Abergos-Samar ng Quezon City Metropolitan Trial Court – Branch 32 na walang basehan ang reklamong isinampa nina Pacifico Apacible at Wilfreda Bollicer na paglabag sa Presidential Decree No. 1829 laban kina Superintendent Moises Mabanag at  Superintendent Gerardo Ratuita ng Quezon City Police District (QCPD).

Sina Mabanag at Ratuita ay natanggal sa QCPD at inilipat sa ibang yunit ng Philippine National Police (PNP) habang ginagampanan nila ang kanilang trabaho matapos mamamatay ang asawa ni Ted Failon na si Trinidad noong Abril 2009.

Bulung-bulungan sa media na ang nagpatanggal sa dalawa ay mataas na opisyal ng pamahalaan noong 2004 hanggang 2010.

 

Ayon sa desisiyon ni Samar, nabigo ang prosekusyon na patunayang mayroon naganap na “arbitrary detention” laban sa mga nagreklamo kina Mabanag at Ratuita.

Ang kasong isinampa sa QC- MTC ay walang tinutungtungang matibay na ligal na argumento upang idiin ang dalawang opisyal ng QCPD sa kaso.

Ikinatuwa ng dalawa ang desisyon ni Samar dahil pinatunayan lamang na wala silang ginawang krimen dahil ginampanan lamang nila ang kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas, lalo pa’t ang namatay ay asawa ng kilang-kilalang newsreader at radio commentator ng ABS-CBN na si Ted Failon.

Noong nililitis ang kaso, inamin ni Bollicer na siya ang naglinis ng comfort room ng bahay ng mga Failon sa Quezon City kung saan naganap ang pagkabaril sa ulo ni Trinidad.

Inamin di ni Bollicer sa QC -MTC na hindi niya agad inereport sa QCPD at sa barangay ang pangyayari.

Alam lahat ng abogado, pulis, at mga reporter na ipinagbabawal ng batas na linisin ang pinangyarihan ng krimen hangga’t hindi nagpapasya ang mga imbestigador na tapos na ang imbestigasyon dahil nakakuha na sila ng mga ebidensiyang gagamitin ng pagsasampa ng kaso laban sa gumawa ng krimen at maging sa kasabwat nito.

Kabisadong-kabisado ito ni Failon dahil matagal na rin namang siyang nasa media.

Base sa rekord ng QCPD, Abril 15,2009 natagpuang duguang nakahandusay si Trinidad sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Tierra Pura Homes.

Lumitaw sa imbestigasyon na namatay si Trinidad dahil sa tama ng bala sa ulo mula sa baril na 380 Walther PPK.

Ayon pa sa rekord, mayroong natagpuang “suicide note” malapit sa bangkay na sinulat at galing umano kay Trinidad.

Sa rekord ng QCPD, nang dumating ang mga pulis sa bahay nina Failon ay malinis na ang pinangyarihan ng krimen at ang Pajero ni Failon na siyang ginamit nang itakbo sa New Era Hospital ang biktima.

Walang nakapagbigay ng malinaw at nakakakumbinsing paliwanag sa mga tauhan ng QCPD kung bakit malinis ang pinangyarihan ng krimen at ng pajero na ginamit sa pagdala sa biktima sa ospital.

Sa punto de bista ng mga imbestigador, kabilang na ang mga baguhang imbestigador, ang paglilinis sa mga lugar na inikutan ng krimen ay mayroong negatibo, kundi man masamang kahulugan na magtatakip at maglilihim ng buong kuwento ng krimen.

Ang masahol pa ay iniligtas ang gumawa ng krimen, o suspek, dahilan upang hindi mabigyan ng katarungan ang biktima ng krimen at pamilya nito, ayon pa rin sa mga imbestigador.

Hindi pinalampas ng QCPD ang pananabotahe sa imbestigasyon ng krimen, kaya sinampahan ng QCPD si Failon (Mario Teodoro Etong ang tunay na pangalan), ang apat na kasambahay ng pamilya Failon, at ang hipag nito na si Pamela dahil sa ginawang paglinis sa pinangyarihan ng krimen.

Subalit, sa kalaunan ay binasura ng Quezon City Prosecutors’ Office ang kaso.

Sa 11-pahinag resolusyon ni Quezon City Assistant City Prosecutor Mary Jean Pamittan, idiniin nito na ang paghahain ng kaso sa mga nasabing indibidwal, kabilang si Failon, ay “premature.”

Ibig sabihin, napaka-agap.

Ayon sa desisyon ni Pamittan, dapat pinatunayan muna ng mga pulis ang nilabag na batas, o mga batas bago kasuhan ang mga ito.

“At the very least, the complainants should have proceeded to rule out first that the death of Mrs. Etong was anything but suicide,” paliwanag pa ni Pamittan.

Ang reklamo ng QCPD laban kina Failon ay tungkol lamang sa paglilinis ng pinangyarihan ng krimen.

Batay sa rekord, kinatigan ni Pamittan ang ikinatuwiran nina Bolicer at Apacible na kaya nila nilinis ang pinangyarihan ng krimen kahit hindi pa nag-iimbestiga ang mga pulis ay upang hindi na makita pa ng anak ni Failon na si Karishma (12-taong-gulang pa lamang noon) ang dugo ng bangkay ng kanyang ina, sapagkat posibleng maka-trauma pa ito sa bata.

Ibig sabihin, binigyan ng mas malaking halaga ng prosecutor ang epekto sa bata ng makikitang dugo sa pinangyarihan ng krimen kaysa makakuha ng ebidensya ang mga pulis upang mapatunayang nagpatiwakal nga si Trinidad.

O, kaya makakuha ng ebidensiya na gagamitin sa paghahain ng kaso sa korte upang maparusahan ang may sala, kahit pa kamag-anak ng biktima ang gumawa ng krimen, at kahit pa aksidente ang pagkapatay sa biktima.

Sa ganitong paraan, tiyak na uusad ang kaso tungo sa tuwid na daan upang makamit ang katotohanan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like