Pacquiao kumpirmadong walang palabra de onor

 

 

Ng: Tapat News Team (TMT)
 
TULOY ang laban ni Manny Pacquiao kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Jessie Vargas sa Nobyembre.
 
Inanunsiyo ito ni Pacquiao nitong Martes, ilang buwan matapos niyang ipangako at idiniin sa mamamayang Pilipino na ayaw na niya sa boksing.
 
Sabi ni Pacquiao, matapos ang laban niya kay Timothy Bradley nitong Abril, magreretiro na siya at magpopokus na lamang sa Senado dahil tatakbo siya sa pagkasenador.
 
Tinalo ni Pacquiao ang nasabing boksingerong Amerikano.
 
Hindi napigilan si Pacquiao ni Bob Arum, ang kanyang boxing promoter.
 
Nitong Martes, nagpunta si Arum sa Pilipinas upang kumbinsihin si Pacquiao na labanan si Vargas sa Las Vegas.
 
Nakumbinsi si Pacquiao kung saan naitakdang Nobyembre 5 ang laban ng dalawa para sa welterweight division ng WBO.
 
“Yes, the fight is on. I have agreed to a November 5 fight with reigning WBO welterweight champion Jessie Vargas,” saad ng 37-taong-gulang na boksingerong Pilipino.
 
Sa kanyang pagkupirma sa laban nila ni Vargas, lumabas din ang katotohanang ikinubli ni Pacqiuao sa mga Pilipino na hindi niya talaga kayang iwanan ang boksing, sapagkat ito ang bulto ng pingkukunan niya ng pera upang mabuhay ang kanyang pamila nang maayos, ang pamilya ng kanyang asawang si Jinky, at mga pinasusuweldo niyang tao.
“Boxing is my main source of income. I can’t rely on my salary as public official,” diretsong banggit ni Pacquiao sa kanyang press release.
 
“I’m helping the family of my wife and my own family, as well. Many people also come to me to ask for help and I just couldn’t ignore them,” pagtatanggol pa niya sa kanyang pagwasak sa kanyang palabra de onor.
 
Si Vargas ay 27-taong-gulang na.
 
Ang rekord niya ay 27-1, 10 Kos.
 
Si Pacquiao naman ay 37-taong-gulang na may rekord na 58-6-2, 38 Kos.
 
“My entire training camp will be held here in the Philippines so I can attend to my legislative works. This is my campaign promise and I’m determined to keep it,” said Pacquiao.
 
Tiniyak naman ni Pacquiao na hindi maaabala ang kanyang trabaho sa Senado, sapagkat sa Maynila isasagawa ang kanyang training.
 
Noong kongresista si Pacquiao, madalas siyang absent sa Kamara del Representantes dahil sa rami ng laban niya.
 
Ipinagtanggol niya ang kanyang pagiging absinero.
 
Naglilingkod daw siya sa mamamayang Pilipino, sapagkat binibigyan niya ng karangalan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagkapanalo sa boksing.
 
Noong natalo siya sa kanyang laban, kabilang na iyong kay Floyd Mayweather, ano karangalan ang ipinamalas ni Manny Pacquiao?

You May Also Like