Pacers-Rockets preview ng  NBA pre-season game sa Huwebes 

Ang mga Pinoy basketball fans na excited nang mapanood ang kaunaunahang NBA game na gaganapin sa bansa ay may pagkakataong mapanood ang dalawang koponan na maghaharap sa season na ito.

Sa Marso 28, Huwebes, nakatakda ang sagupaan ng Houston Rockets (38-31) at Indiana Pacers (43-26).

Kasalukuyang nasa pangalawang puwesto sa Eastern Conference ang Pacers at nakasisiguro na ito ng puwesto para sa NBA Playoffs.

story 4-Pacers Rockets

Ang Rockets naman ay nasa ika-pitong puwesto sa West at kailangan pang magpursige para huwag mahulog sa Top 8 ng kanilang conference.

Nakatakdang maglaro ng 2013-14 NBA pre-season game ang Houston at Indiana sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ang Rockets ay pinangungunahan nina Jeremy Lin, Chandler Parsons, Carlos Delfino at James Harden, na kasamang naglaro sa NBA Ultimate All-Star Weekend na ginanap sa Araneta Coliseum noong Oktubre 2011.

Pero hindi tulad noong 2011, ang laro sa darating na Oktubre ay bahagi ng pre-season tournament ng liga.
Ilan sa mga pangunahing manlalaro ng  Pacers ay sina Paul George, Roy Hibbert, George Hill at Danny Granger.

You May Also Like