Pabili Naman ng Ligaya

The Jumping WallSa paglaganap ng social networking sites, araw-araw mong nakikita ang mga larawan ng iyong mga kakilala na nagpapakita ng kanilang mga kaaya-ayang buhay. Halimbawa na sa mga restaurant na kanilang kinakainan, sa lugar na kanilang pinagbakasyunan, sa mga bagong gamit na kanilang nabili o natanggap, lahat ay may kasamang ngiti na nagpapakita ng kanilang kasiyahan.

Nakapagpapasaya nga naman ang ganitong mga pagkakataon. At dahil sa hindi maitagong saya ay kadalasang ibinabahagi nila ito kaagad-agad sa kanilang mga accounts para maipakita rin sa iba. Subalit imbes na maging positibo ang epekto ay madalas na nagdudulot ito ng kabaligtaran sa iba. Ang dahilan ay ang pagpansin sa kakulangan sa sariling buhay. Iniisip mo madalas kung bakit sila ay may mga ganitong bagay o bakit sila nakapunta at nakakain sa ganitong lugar at kung anu-ano pang mayroon sila na wala ka. Kuntento ka naman talaga sa kinalalagyan mo, ngunit sa tuwing makikita mo ang mga bagay na mayroon ang iba, nakalilimutan mo rin kung anong mayrpoon ka.

Dahil dito ay hinahangad mo na maranasan ang mga ito. Madalas ay nakukuha mo naman ang ilan, subalit hindi lahat at hindi ka nakukuntento nang tuluyan. At parang laging may kulang.

Kung babalikan mo naman ang iyong sitwasyon bago ang lahat ng ito ay masaya ka naman at matiwasay sa iyong buhay. Ang dikta ng materyalismo na dapat makuha at magawa mo ang ilang bagay ay hindi naman lubos na masama kundi dapat ituring na pandagdag rekado lamang. Ang paniwalang ang mga bagay na ito ang makapagdudulot ng kaligayahan sa iyo ay ang siyang dapat na iwasan. Sapagkat ang tunay na kaligayahan ay hindi nakasalalay sa panlabas na sitwasyon ng iyong buhay kundi kung paano mo lalagyan ng positibong pananaw ang mga bagay na nangyayari sa iyong paligid.

(rogie_ylagan@yahoo.com / theignoredgenius.blogspot.com)

You May Also Like

  • ito rin ang ipinapayo ko sa aking mga kaibigan at minsan paalala na rin sa aking sarili. Kaya minsan ninanais ko na lang din sa blog maglagi. Kasi sa blog ay explanation, yung iba na hindi nila nakuha na madali ang kanilang mga achievements gaya halimbawa ng travel. gumastos sila, nag-ipon at nangarap.

    actually ganun naman talaga, hindi lahat nakuha ng madali. ang nangyayari lang ay puro finished product nagdu-dwell ang karamihan.

    and yes, ang kasiyahan ay actually wala sa eksaktong bagay kundi sa pagnamnam ng bawat biyaya na nakakamit mo maliit man ito o malaki.

    Mabuhay sa magandang artikulo!

  • A perfect reply! Thanks for taking the trbluoe.