“Paano matutulungan ni Pope Francis ang mga OFWs?”

pope francis2Milyun-milyon ang nagdiwang sa pagkakaluklok kay Pope Francis bilang bagong santo papa kung kaya naman, tinanong namin ang ilang mga Pinoy ng ating Tapatan Question ngayong linggo.

“Matutulungan ni Pope Francis ang mga OFW Pinoys around the world sa pamamagitan ng pag-ayos at pag-establish ng chaplaincy program na may ‘listening sessions’ and sacraments.” – Erick Manrique, Sydney, Australia

“Kung ‘yung parishes have a way of accommodating the OFW and later on, endorsing them to wherever they’re moving to, it would help them out.. They almost forgo Church kasi hindi nila alam kung saan ang mga parokya sa bagong area na ‘yun.” – Julz Roberto, Sacramento, California

“We’ve been here in the middle east for 7 years and we are practising our faith underground. Nagdadasal kami na payagan kami na mag-build ng church para we don’t have to have underground masses at catechism classes para sa mga bata to respect their laws. I hope the Pope will help us pray that we Catholics here can practice our faith without being disobedient to their law. So we do hope he can help us pray and he will cross paths with our king here and they can talk about it.”  – Lolit Barreto, Middle East

“Matutulungan ni Pope Francis ang mga OFW kung mas magiging accessible siya sa kanila kahit through social media or sa podcasts kung saan maaaring mapakinggan ng mga OFWs ang kanyang mga mensahe.” – MK Guaño, Quezon City, Philippines

“Sa tingin ko, the Pope should run a migrant integration program that would allow the OFWs to blend in with the community smoothly and para mawala ang barriers tulad ng language, etc.” – Fredney Gales, Campbelltown, Australia

You May Also Like