P90-B Bawas sa BOC Target Ngayong 2016

 

Commissioner NICANOR FAELDON
Commissioner NICANOR FAELDON

Ni: Roy Bersales

 

KUMBINSIDO si Commissioner Nicanor Faeldon na makokolekta ng bureau of Customs (BOC) ang rebisadong target ng koleksiyon nito para sa taong kasalukuyan.

Nakamapa naman kung saan at paano makokolekta ang P409 Bilyon, tugon ni Faeldon sa media.

Ngunit, inilinaw na ang P409 Bilyon ay hindi na ang siyang orihinal na tudla ng BOC.

Tinapyasan ito ng halos P90 Bilyon mula sa P498.67 Bilyon na siyang nakasaad sa 2016 Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF).

Sa naibawas, malaking bahagi rito ay sa orihinal na target na pera na P402.5 Bilyon mula P488.7 Bilyon.

Katumbas sa P17.6% ang nabawas.

Ngunit, sabi ni Faeldon mas malaki pa rin ng 12.6 porsiyento ang target kumpara nitong 2015 na nasa P357.4 Bilyon.

Ayon sa Development Budget and Coordination Committee (DBCC), pinalitan ang target ng koleksiyon dahil sa tuluy-tuloy na pagbaba presyo ng langis sa daigdig at antas ng importasyon ng bansa nitong nakalipas na mga buwan.

Batay sa rekord ng BOC, P190.6 Bilyon na ang nakolekta nito mula Enero hanggang Hunyo, kaya ang natitirang halaga sa nirebisang tudla ay P218.4 Bilyon.

Ang makokolekta ng bawat daungan ay:

 

  • San Fernando – P2.1 Bilyon;
  • Manila – P66.9 Bilyon;
  • Manila International Container Port (MICP) – P121.3 Bilyon;
  • Ninoy Aquino International Airport (NAIA) – P36.1 Bilyon;
  • Batangas – P92.3 Bilyon;
  • Legazpi – P201 Milyon;
  • Iloilo – PHP2.1 Bilyon;
  • Cebu – P17.2 Bilyon;
  • Tacloban – P164.3 Milyon;
  • Surigao – P10.4 Bilyon;
  • Cagayan de Oro – P9.8 Bilyon;
  • Zamboanga – P186 Milyon;
  • Davao – P11.3 Bilyon;
  • Subic – P15.1 Bilyon;
  • Clark – P1.4 Bilyon;
  • Aparri – P242.8 Milyon;

Limay – P26.2 Bilyon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like